Mensahe ng ginang na nakaratay sa ospital para sa kaniyang anak, umantig sa netizens




Imahe mula kay Ray Angelo Fababier | Facebook
  • Viral ngayon sa social media ang mensaheng isinulat ng isang ginang na nakaratay sa ospital para sa kaniyang pinakamamahal na anak
  • Nagawa nitong ipahayag ang kaniyang pagmamahal sa kabila ng kaniyang iniindang karamdaman
  • Marami naman sa netizens ang naantig at nagpaabot ng kanilang suporta para sa ikabubuti ng kalagayan ng ginang
Imahe mula kay Ray Angelo Fababier | Facebook

Ipinamalas ng isang ginang ang kayang gawin ng isang ina para sa kaniyang minamahal na anak. Patuloy siyang lumalaban sa kabila ng kaniyang karamdaman manatili lamang sa tabi na kaniyang pamilya.

Sa viral post ni Ray Angelo Fababier sa Facebook noong September 14, ibinahagi ng binata ang mensahe na isinulat mismo ng kaniyang ina para sa kaniya. Mahihinuha na hirap na siguro itong magsalita.

“Mahal na mahal kita, anak,” ayon sa sulat ng ginang na nakalagay sa isang maliit na notebook na siyang nakunan ni Ray ng larawan.

“Gusto ko makasama ka. Nahihirapan na ako pero nilalakasan ko pa loob ko. I love you,” dagdag na mensahe nito para sa kaniyang pinakamamahal na anak.

Hindi nabanggit sa post ang kasalukuyang lagay ng ginang, makikita naman sa mga larawan na in-upload ni Ray ang matinding pinagdadaanan ng kaniyang ina dahil na rin sa mga tubong nakakabit dito.

Sa pamamagitan ng kaniyang post, ipinarating ng binata ang kaniyang damdamin para sa inang patuloy na lumalaban para mabuhay.

“Mama. I love you, too,” sagot ng binata sa sinulat ng kaniyang natanggap.

Imahe mula kay Ray Angelo Fababier | Facebook

Marami naman sa netizens ang nagpahayag ng kanilang suporta para patuloy na lumakas ang loob ni Ray at ng kaniyang pamilya. Nagpaabot din ng dasal ang ilan para sa ikagagaling ng ina ni Ray.

“Isasama po kita lagi sa dasal ko. Sana gumaling na po si mama mo,” ani JT.

“Always pray to God. Don’t give up. Kinakaya naman ni tita kaya kayanin mo rin,” sabi naman ni YM sa comment section.

Imahe mula kay Ray Angelo Fababier | Facebook

“Keep strong po, nay. Malalagpasan niyo rin po iyan. Ipagdarasal ka po namin,” pahayag naman ni LI.

Patuloy na umaantig ang mga larawan na ibinahagi ni Ray sa social media. Sa kasalukuyan ay umani na ang kaniyang post ng higit 33,000 likes at 22,000 shares sa Facebook.

Source :

Facebook