Mayor Isko Moreno sa kanyang kwentong love life: “Lagi akong basted at walang pang-date”




Larawan mula sa Facebook video ng Raffy Tulfo Supporters
  • Nagbahagi si Manila Mayor Isko Moreno ng ilang kuwento tungkol sa kanyang love life
  • Ayon sa kanya, dumating sa punto na laging siyang basted at walang pang-date 
  • Kahit na bigo noon sa pag-ibig, happily married naman na siya nang halos dalawang dekada ngayon

Madalas trending ngayon ang mayor ng Maynila na si Isko Moreno Domagoso. Pinag-uusapan at ginagaya na rin ng ibang politiko ang kanyang mga proyekto, kabilang na ang paglilinis ng mga kalye mula sa iba’t ibang bara at harang. Hinahangaan din ang pagiging masayahin ni Moreno na nagpauso pa ng mga salita tulad ng ‘yorme’ at ‘etneb’ na patok naman ngayon sa mga millennials.

Maliban sa kanyang mahusay na pamamalakad sa Maynila, interesado na rin ang madla sa kanyang personal na buhay, maging ang love life nito. Kahit dati namang celebrity si Moreno, may mga impormasyong ngayon pa lamang nalalaman ng kanyang mga fans at supporters tungkol sa kanya.

Larawan mula sa Facebook video ng Raffy Tulfo Supporters

Sa isang viral Facebook video, inilahad ni Moreno na kahit mayroon siyang looks na pang-artista kahit noong kabataan niya, ay lagi pa rin siyang bigo at hindi sinasagot ng mga niligawan niya. Kung ano-ano na raw ang effort na ginawa ni ‘yorme’ noon, pero basted pa rin daw siya.

“Nanligaw naman ako… Hindi nga lang ako marunong manligaw masyado dahil siyempre wala akong pang-date,” rebelasyon ni Moreno na lumaki sa hirap bago naging aktor at politiko.

Biro pa ni Moreno, dahil sa hirap ng buhay, maliban sa walang pang-date, dadalawa lang daw ang uniporme niya sa school at tipid na tipid pa raw sila noon sa sabon.

Iginiit din ni Moreno na wala siyang naging kasintahan noon at lagi siyang basted kahit umabot sa puntong pinakokopya na niya ang kanyang crush bilang isa naman siya sa pinakamahuhusay sa klase.

“Wala talaga akong naging syota, maniwala kayo. Puro basted ako. Eh pinapakopya ko pa nga ‘yung crush ko eh. Oo, medyo ano naman ako, medyo maganda naman ang section ko… Nape-first honor naman ako,” sabi ni Moreno bilang pagpapaliwanag sa audience na tila hindi naniniwala na hirap siya sa panliligaw noon.

Iclick ang larawan para mapanood ang Facebook video ng Raffy Tulfo Supporters

Ang mga pahayag na ito ay bahagi ng isang talk ni Moreno tungkol sa mga suliraning kinakaharap ng kabataan at mga mag-aaral. Bahagi daw ang madalas niyang pagkabigo sa pag-ibig sa mga pagsubok na kinaharap niya noon na nalagpasan naman niya paglaon.

Ngayon, masaya na ang lovelife ni ‘yorme’ Moreno at 19 taon nang kasal kay Diana Lynn Ditan. Mayroon silang limang anak at kahit hindi raw madalas makita ng publiko ang misis nito, suportado naman daw siya nito sa lahat ng bagay na ginagawa niya.

Source :

Facebook, YouTube