Laging kasama sa hirap man o ginhawa: Jinkee Pacquiao deserve maging reyna sa piling ni Manny Pacquiao




Imahe mula sa Facebook page ni Jinkee Pacquiao
  • Ang mag-asawang sina Manny at Jinkee Pacquiao ay isa sa mga magpapatunay sa kasabihang “Behind every successful man there is a woman”
  • Malaking bahagi si Jinkee sa mga pagtatagumpay sa buhay ni Manny
  • Tulad ni Manny, nagsimula rin si Jinkee sa ibaba bago tinamasa ang tagumpay bilang babae, asawa, at ina

Kadikit ng pangalang Manny Pacquiao ang pangalan ng kaniyang maybahay na si Jinkee Pacquiao. Laging ipinakikita at ipinararamdam ng “People’s Champ,” na si Jinkee ang reyna sa kaniyang buhay.

Imahe mula sa Facebook page ni Jinkee Pacquiao

Gayunman, tulad ni Pacquiao, ang kuwento ng buhay ni Jinkee ay nagsimula rin sa “rags to riches.” At mula sa isang ordinaryo at payak na buhay ay malayo na ang narating ni Jinkee.

Bago naging Mrs.Pacquiao, si Jinkee, na noon ay 20 taong gulang, ay isang sales representative ng mga pampagandang produkto sa isang mall kung saan doon din siya unang nakita ni Manny.

Nagkamabutihan ang dalawa at makalipas lamang ang pitong buwan ay ikinasal sila noong Mayo 10, 2000 at biniyayaan ng limang anak: Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth, at Israel.

Dumaan din sa maraming pagsubok ang pagsasama ng mag-asawa. May mga naugnay ring babae sa buhay noon ni Manny ngunit nalagpasan na ng mag-asawa ang mga intrigang iyon na lalong nagpatibay sa kanilang relasyon.

“Yes, there will be struggles. There will be trials. But these are just opportunities to overcome and gain eternal rewards. In all we face in life, God has promised to be with us. So what is there to fear?” ayon nga sa isang Instagram post ni Jinkee.

Pinasok din ni Jinkee ang politika kung saan naging vice governor ito ng Sarangani mula 2013-2016. Ngunit kahit naging matagumpay ang kaniyang karera sa politika ay hindi na niya ito ipinagpatuloy pa.

Imahe mula sa Facebook page ni Jinkee Pacquiao

Mas pinili niyang mag-focus sa kaniyang pamilya at sa  The Jinkee and Manny Heart Foundation.

Deserve naman talaga ni Jinkee ang lahat ng blessings na kaniyang natatanggap sa ngayon.

Source :

Style, Instagram