Koreano na naghihirap sa Pilipinas, nagpanggap na kinidnap upang perahan ang mga magulang




Imahe mula sa Pixabay
  • Isang Koreano ang posibleng makasuhan dahil sa ‘kidnap-me m0dus’ nito
  • Ang Koreano ay nagpanggap na siya’y dinuk0t at ito’y humingi ng ransom sa kaniyang mga magulang na nasa South Korea
  • Napag-alaman naman na ang Koreano ay hindi talaga dinukot at nakatira ito sa bahay ng kanyang girlfriend na isang Pilipino

Isang Koreano na kasalukuyang nasa Pilipinas ang nagpanggap na kinidnap siya at nanghingi ng ransom sa kaniyang mga magulang na nasa South Korea.

Ayon sa report ng The Manila Bulletin, ang Koreano ay kinilalang si Yoo Jin Won, 38 taong gulang, na nagtatrabaho bilang tourist guide ng mga turista mula sa South Korean. Huli siyang pumasok sa trabaho noong Setyembre 24.

Imahe mula sa Pixabay

Sa panayam kay Col. Jonnel Estomo, director ng Anti-Kidnapping Group (AKG), ang kanilang imbestigasyon ay nagsimula nang humingi ng tulong ang Korean Embassy ukol sa di-umano’y pagkidnap sa isang Koreano.

Ang inisyal na impormasyon na kanilang nakalap ay mula mismo sa mga magulang ni Yoo kung saan sinabi ng mga ito sa mga opisyal ng embahada na may humihingi sa kanila ng $5,000 bilang ransom sa kanilang anak.

Nagsimula namang mag-imbestiga ang AKG sa social media kung saan nakita nila ang latest photo ni Yoo na  kasama ang girlfriend nito na isang Pilipino.

Agad naman nilang na-trace kung saan naninirahan ang babae na kasalukuyang residente ng Camanci Norte, Numancia, Aklan. Napag-alaman din nila na nakatira si Yoo sa bahay ng kaniyang kasintahan.

Noong Biyernes, Setyembre 27, ay nagpunta ang AKG team sa lugar at inimbita si Yoo sa isang imbestigasyon.

Imahe mula sa Pixabay

Umamin naman si Yoo sa kaniyang ginawa ngunit sinabi rin nito na nagbiro lamang siya sa kaniyang ina na nasa South Korea dahil nangangailangan talaga siya ng pera.

Sinabi naman ni Lt. Col. Elmer Cereno, AKG spokesman, na inihahanda na nila ang kaso laban kay Yoo dahil sa pagsasagawa nito ng nasabing m0dus.

“This should serve as a lesson that you cannot fool the AKG. We have ways of ferreting out the truth and Yoo’s case is not the first,” babala ni Cereno.