Kim Molina, nag-uumapaw ang pasasalamat sa kanyang blockbuster movie na “#Jowable”




Larawan mula sa Instagram account ni Kim Molina
  • Certified blockbuster ang pelikula ni Kim Molina na #Jowable
  • Dahil dito, nagpasalamat siya sa lahat ng nanood at tumulong sa kanya sa tagumpay na ito
  • Suportado naman siya ng tunay niyang jowa na si Jerald Napoles

Mula sa pagiging BFF ng Kadenang Ginto kontrabida na si Daniela Mondragon, isa na ngayong box office star ang komedyante at singer na si Kim Molina. Naging mainit kasi ang pagtanggap ng mga Pinoy movie goers sa kanyang bagong pelikula na “#Jowable.”

Habang isinusulat ang balitang ito, umabot na sa higit 30 milyon ang kinita ng pelikula ni Kim sa ilalim ng Viva Films at Vincentiments. Kaya naman hindi mapigilan ni Kim – na gumaganap na Elsa sa pelikula – na maging emosyonal dahil sa tagumpay na tinatamasa.

Larawan mula sa Instagram account ni Kim Molina

Sa isang Instagram post, pinasalamatan niya ang Panginoon at iba pang mga Kapamilya na tumulong sa kanya upang panoorin ng madla ang kanyang pelikula. In character pa rin si Kim sa kanyang post at idinaan sa pagpapatawa ang pasasalamat.

“Lord, una sa lahat marami pong salamat sa lahat ng biyayang pinagkakaloob niyo po sa amin. Sa pamilya at mga kaibigan na laging nandyan para sumuporta at gumabay sa akin,” bungad ni Kim.

“Pero salamat din po at bibigyan niyo po ang lahat ng 280 pesos para mapanood ang pelikula ko. 300 po pag sa susyal na sinehan,” pagpapatuloy niya sa post na mayroon nang higit 20,000 likes.

Siyempre, bilang mukha ng mga naghahanap ng kasintahan, ipinagdasal din ni Kim ang mga single katulad ni Elsa sa #Jowable.

“At kung ang manonood naman po ay walang jowa, kayo na rin po ang bahala. Bless them, Lord. Yun lang po. Mahal na mahal po namin kayo. 11:11,” saad ni Kim.

Larawan mula sa Instagram account ni Kim Molina

Kahit nasa kabilang network, full support naman ang real life boyfriend ni Kim na si Jerald Napoles sa bagong pelikula ng kanyang tunay na “Jowable.”

Sa isang Instagram post din, ipinahayag ni Jerald kung gaano siya ka-proud sa nobya at kung gaano kaganda ang pelikulang ginawa nito.

“Pambansang JOWABLE” Kim Molina – SHE HAS ARRIVED! Worth your time and every penny.. You’ll take away a moment of pride and self-love after watching the movie. Catch it tom. As soon as it opens, para di kayo ma-spoil,” sabi ni Jerald kay Kim na kapuwa napanood sa musical play na “Rak of Aegis.”

Bago ang #Jowable, bumida rin si Kim sa isang iWant original movie na “MOMOL Nights” kasama ang Kapamilya leading men na si Kit Thompson.