Kilalanin: Imma, ang bantog na modelong hindi talaga totoong tao




Image via @imma.gram | Twitter
  • Si Imma ay isa sa mga paboritong modelo ngayon sa Instagram
  • Hinahangaan siya sa kanyang ganda, husay sa pagmomodelo, pati na rin sa mga OOTD na talaga namang panalo
  • Gayumna, si Imma ay hindi totoong tao kung ‘di isa lamang computer-generated model

Mabibighani ka sa kagandahang taglay niya; hahanga sa galing niyang pumorma at mag-project, maaaliw sa mga larawang pang-#feedgoals talaga. Sa simula ay iisipin mong totoong tao siya. Pero huwag kang mag-alala, hindi ka naman nag-iisa.

Image via @imma.gram | Instagram

Sa simula ay iisipin mo talaga na totoong tao si Imma; na isa na ngayong kilalang Instagram model at suportado ng kanyang mahigit 123,000 followers. Marami rin ang nagkamali at inisip na isa siyang modelo na may napakagandang mukha at napakagaling umanggulo. Pero kapag tiningnan mong mabuti, makikita mo na hindi talaga siya tunay na tao.

Likha si Imma ng isang kumpanya na gumagawa ng computer-generated (CG) models, ang ModelingCafe Inc. Kinuha ang pangalan niya sa Japanese word na “ima”, na ang ibig sabihin ay “now”. Malinaw din na nakasaad sa kanyang Instagram bio na isa siyang “virtual girl” na interesado sa Japanese culture at film.

Gayunman, dahil sa pagiging perpekto ng mga larawan niya — na para siyang nasa iba’t ibang lokasyon at abala sa mga bagay na pinagkakaabalahan ng isang totoong tao — ay nakuha niya ang atensyon ng maraming Instagram users. Mayroon pa nga siyang Zepeto account at kinagiliwan din ang kanyang Zepeto na talaga namang kamukha niya.

Malayo na rin ang narating ng CG model na si Imma. Matatandaang naging cover na rin siya ng CG World magazine.

Nagkamali ka rin ba sa unang tingin mo kay Imma? O noong una pa lang ay napansin mo nang hindi siya isang normal na modelo? Ibahagi sa comments section ang iyong kuwento!

Image via @imma.gram | Twitter