Jeepney driver sa Marikina City, hindi pinagbabayad ang senior citizens at PWDs




Image via Nam Alarcon De Laguna‎ | Marikina News Facebook group
  • Hinangaan ng marami ang isang jeepney driver sa Marikina City
  • Hindi pinagbabayad ng drayber ang senior citizens at persons with disabilities
  • “Wala pong bayad ang mga senior/PWD,” saad ng karatula sa loob ng jeep

May mga taong kahit simple lang ang pamumuhay ay nagagawa pa ring tumulong sa pamamagitan ng mga simpleng bagay din na mayroon sila — katulad ng isang jeepney driver sa Marikina City.

Image via Nam Alarcon De Laguna‎ | Marikina News Facebook group

Sa Facebook group na Marikina News, ibinahagi ng member na si Nam Alarcon De Laguna ang isang larawan mula sa jeep na nasakyan niya. Makikita rito ang isang karatula na nagsasabing libre lamang ang pamasahe ng senior citizens at persons with disabilities na sasakay dito.

“Wala pong bayad ang mga senior/PWD,” saad ng karatula sa loob ng jeep.

Hinangaan ng marami ang isang jeepney driver na bagama’t simple lamang ang buhay bilang tsuper ay nagagawa pa ring tumulong sa kapwa.

“Wow, ang bait ni kuya. Walang bayad ‘yong mga senior at PWD. Sana dumami pa ang mga katulad mo,” wika ng nag-post litrato.

“Malaking tulong ‘yan para sa mga matatanda. Sana bigyan ng insentibo ng gobyerno ng Marikina ang mga kagaya n’yo kasi alam din natin na kahit mahal ang gasolina, nagawa n’yo pa rin tumulong,” sabi naman ni Raymond Manalo Omul.

“Hats off, manong. Isa kang huwaran sa mga driver at sa buong sambayanan dahil sa iyong dakilang puso para sa mga nakatatanda at mga may kapansanan,” wika ni Lucio Saclauso Amparo.

Saad pa ng iba, mabuti pa ang tsuper na ito, may malasakit at pagkukusa. Ang iba raw, nagagalit pa kapag may nag-a-avail ng discount bilang senior citizen o estudyante. Karapat-dapat lamang daw na kilalanin ng Marikina City Government ang kabutihan nito.

Image capture from Facebook
Source :

Facebook