‘Iwas stress na, healthy pa’: Ang 4 ipon tips ni Doctor Willie Ong




Images via Doc Willie Ong and Pixabay
  • Ibinahagi ni Doc. Willie Ong ang kanyang apat na tips para makaipon
  • Ayon sa pag-aaral, no. 1 cause of stress ang kawalan ng pera
  • Aniya, mahalaga ang pagkakaroon ng inipong pera upang maging panatag ang kalooban ng isang tao

“May pera ka ba?” — isang simpleng tanong na kayang sagutin ng “oo” o “hindi”, pero kayang-kayang baguhin ang mood ng isang indibidwal. Sino nga ba ang hindi mamomroblema kung walang pera?

Image via pixabay

Sa isa sa kanyang latest informative videos, ibinahagi ni Doc. Willie Ong ang apat na ipon tips na tiyak na mapakikinabangan daw ng mga makakapanood. Dito, ibinahagi niya ang mahihirap pero epektibong paraan upang makapag-ipon; lalo na at ang no. 1 cause of stress, ayon sa pag-aaral, ay ang problema sa pera.

“Dahil sa stress na ito, lalo silang nagkakasakit. Lalo silang hindi nagiging healthy,” wika pa ng Pinoy health expert. Kaya naman ating tandaan at sundin ang mga tips niya kaugnay dito.

Una, self-control. Bago raw bumili, iniisip muna kung kailangan talaga. Mainam daw na palipasin muna ang isang linggo o ilang araw — hanggang maaari. Tingnan mo kung gusto mo pa rin ito pagkatapos ng ilang araw o isang linggo.

Mahalaga rin daw mag-ipit ng pera . Iyong matitira sa budget, ipitin mo. Ilagay doon sa lugar kung saan hindi talaga makukuha, tapos walang galawan hangga’t maaari.

Huwag maging emosyonal, isa pang mahalagang tip mula kay Doc Ong. Kung may nangangailangan ng tulong, huwag agad maglabas ng pera. Humanap daw muna dapat ng paraan; katulad ng paglapit sa charity. Kung magbibigay naman, huwag iubos lahat. Aniya, kailangan din isipin ng isang tao na maaaring siya naman ang mangailangan ng pera sa susunod.

At siyempre, gamitin lagi ang isip. Isipin kung ano ang mga kailangan at kakailanganin pa. Mainam din daw kung habang bata pa ay iisipin na kung ano ang mga kakailanganin sa hinaharap.

“Number 1 stressor ang pera….Kung mayroon kayong pera, kung mayroon kayong ipon, less stress, more healthy,” aniya.

Paalala pa ng doktor, “Wala pong shortcut e, kailangan itong apat.”

Panoorin ang buong video na naka-post sa Facebook page ni Doc Willie Ong:

I-click ang imahe para mapanood ang video.
Source :

Facebook