‘Ipaglaban Mo’ episode, trending sa paggamit ng pangalan ng Mobile Legends heroes




Images via Ipaglaban Mo and Fandom
  • Nag-trending ang “Ipaglaban Mo” episode kung saan ginamit na alyas ang pangalan ng heroes sa Mobile Legends
  • Ginamit sa Ipaglaban Mo episode ang pangalan nina Miya, Layla, Franco, Aldous, Freya, Harley, at Esmeralda
  • Tampok sa episode sina Kisses Delavin, Rita Avila, at Cris Villanueva

Trending ngayon ang “Ipaglaban Mo” episode kung saan ginamit na alyas ang mga pangalan ng Mobile Legends heroes.

Images via Fandom

Sa episode na umere nitong Setyembre 7, umpisa pa lamang ay nilinaw na “Ang tunay na pangalan ng mga tao, lugar, at organisasyon na may kaugnayan sa kas0 na tampok sa palabas na ito ay pinalitan at binago.”

Gayuman, hindi naman daw sukat akalain ng mga manonood na ang mga gagamiting pangalan ay ang sa Mobile Legends heroes na sina Miya, Layla, Harley, Franco, Aldous, Freya, at Esmeralda. Pinag-usapan ito ng mga naglalaro ng Mobile Legends sa social media, dahil kahit seryoso ang tema ng palabas ay nakakatawa pa rin daw tuwing maririnig nila na binabanggit doon ang pangalan ng mga karakter sa nasabing mobile game.

Tampok sa episode sina Kisses Delavin bilang Miya, Rita Avila bilang Layla, Cris Villanueva bilang Harley, at iba pa.

Umiikot ang kuwento nito sa mag-inang sina Layla at Miya na iniwan ng padre de pamilya na si Harley, na isa palang binabae. Pagkalipas ng dalawang dekada, nakipag-ugnayan muli si Layla kay Harley upang humingi ng tulong para sa pangarap ni Miya, na noon ay isa nang nars. Dito niya nalaman na bumuo na pala ng bagong buhay si Harley; isang buong pamilya kasama ang kinakasama nito na si Franco at ang mga anak ng lalaking ito na sina Freya at Aldous.

Sa kagustuhan ni Layla na makuha ni Miya ang nararapat sa kanya, nagdesisyon siyang ipaglaban ang karapatan ng anak. Ito ay sa kabila ng pakikipaglaban din ni Harley sa isang malubhang karamdaman.

Images via Ipaglaban Mo | Facebook

Narito ang recap ng nasabing episode:

Source :

YouTube