‘Ikot-ikot lang’: Dalawang bata, may kakaibang trip sa palaruan sa Tondo




Imahe mula sa video ni Potchi Ongpauco Sheckler | Facebook
  • Kakaiba ang paraan ng paglalaro ng dalawang bata sa Rawis, Tondo dahil ginawa nilang parang rides sa isang amusement park ang mga gamit pang-eherisisyo sa palaruan
  • Nakuhanan ng video ang dalawang bata habang nakayakap sa equipment at nagpaikot-ikot
  • Isa pala iyong throwback video ngunit hanggang ngayon wala pa ring kupas ang sayang dala nito sa mga nakapanood na at may dala rin itong aral

Nakakahilo at paikot-ikot ngunit nakayutuwang panoorin ang dalawang bata sa isang palaruan sa Maynila dahil sa kakaiba nilang trip.

Imahe mula sa video ni Potchi Ongpauco Sheckler | Facebook

Pareho kasing nakayakap ang dalawang bata, isang lalaki at isang babae, sa magkabilang equipment na ginagamit sa pag-eehersisyo sa palaruan at saka hinayaan ang mga sariling magpaikot-ikot na parang mga laruan.

Titigil sandali ngunit kapag nakabuwelo ay aandar na namang muli. Talagang nakakahilo silang panoorin ngunit hatid naman nila ay tuwa.

Nakuhanan lamang sila ng video ng isang netizen noong mapadaan ito sa Rawis sa may Tondo ngunit matagal na pala ang video at isa lamang balik-tanaw. Ang video ay mula pa noong ika-29 ng Setyembre taong 2015 at lumitaw lamang ito nang i-share muli ni Potchi Ongpauco Sheckler ang video na kuha niya sa kanyang Facebook account.

“Ako hilong-hilo na, ah, dumagdag pa kayo mga tsikiting,” biro noon ni Sheckler. “Kaway-kaway mga taga Rawis, Tondo, kaninong mga junakis (anak) ito?”

Aniya, ginawa raw na parang rides sa Enchanted Kingdom ng mga bata ang mga equipment na iyon. Ngunit sa kabila ng nakakatawang nasaksihan at na-video-han ni Sheckler, mayroon din siyang napagtanto at tiyak na makaka-relate din ang karamihan.

Imahe mula sa video ni Potchi Ongpauco Sheckler | Facebook

“Alam mo nakakatuwa talaga ang mga bata, e. Minsan sa kanila talaga tayo matututo. Yung kahit pinapaikot ka na pero choice mo na lang talaga kung paano ka magiging masaya. Yung kahit hilong-hilo ka na basta pagbitaw mo…” pahayag noon ni Sheckler ngunit hindi na niya tinapos ang gustong sabihin.

Mabuti na lang lumitaw ulit ang post sa kanyang Facebook Memories at nagawa niya na ring kumpletuhin ang realisasyon niya noon.

“Minsan choice mo na lang talaga kung paano mo pasasayahin ang sarili mo sa mga bagay na meron ka sa paligid mo. Minsan huwag din nating gawing komplikado ang mga bagay bagay sa mundo dahil kahit paikutin ka man nito, masaya kang bibitaw sa pagkakahawak mo,” saad ni Sheckler.

Akalain mo ‘yon, simpleng paglalaro lang ng mga bata sa kakaiba nilang trip, napulutan pa ng aral (o hugot).

I-click ang imahe para manapanood ang video