Hugot sa pusang nanginain ng isda: “Pinaghirapan mo pero pinakinabangan ng iba”




Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila
  • Isang larawan ng pusang palihim na nanginginain ng mga pinatuyo at nakabilad na isda sa bubong ng isang bahay ang kinatuwaan ng mga netizens
  • Ito raw ay isang halimbawa ng pinaghirapan mo pero pinakinabangan ng iba
  • Marami pa sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang hugot o maibabahaging karanasan hinggil sa naturang larawan

Ano ang mararamdaman mo kung pinaghirapan mo ang isang bagay, binuhusan mo ng oras, atensyon at pagmamahal, pagkatapos ay pakikinabangan lamang pala ng iba?

Iyan ang “hugot” na nakuha ng mga netizens sa isang larawan ng pusang palihim na nanginginain ng mga pinatuyo at nakabilad na isda sa bubong ng isang bahay, batay sa Facebook post ng nagbahaging netizen na si Anthony Sonny Boy Crispino sa Facebook page na “Memories of Old Manila” noong Setyembre 16, 2019.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Nagbigay naman ng reaksyon dito ang mga netizens.

“Nangyari na sa akin iyan kaya ang ginawa ko, tinuhog ko sa alambre ang mga isda at isinabit ko sa mataas na sampayan. Maghapong tiningala ng mga pusa hehehe!”

“Minsan, may mga pinaghihirapan tayo pero ang ending, pinakikinabangan ng iba. Ayos lang naman kung mahal mo naman o mahalaga sa iyo ang nakinabang. Kumbaga, ako ang nagbayo at nagsaing, iba ang kumain.”

“Dapat hindi sa bubong binilad ang mga daing kagaya niyan nauna na ang pusa kumain kaysa sa nagbilad. Parang sa dyowa mo. Dapat huwag mo munang ipakita at ipakilala sa mga kaibigan mo, baka kasi ahasin hahaha.”

“Hindi natin mapipigilan ang pusang kainin ang mga isdang nakabuyangyang. Parang sa buhay din, kapag nariyan na ang oportunidad, sunggab lang nang sunggab. Kapag nagpakita ng malisya, patulan mo na! Hahaha.”

“Cats are agile and they make up 15% of the population. Why dry your fish without proper ‘protection’? It’s not the cat’s fault. They got to eat too!”

Public Domain Image

Kung titingnan mo ang larawan, ano ang hugot mo rito?

Source :

Facebook