Gumanap na aktor sa ‘Kita Kita’ Indonesian remake, malaki ang pagkakahawig kay Empoy




Mga imahe mula sa Facebook account nina Empoy at Dodit Mulyanto
  • Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang ipalabas ang highest-grossing Filipino independent film na Kita Kita
  • Dahil sa magandang feedback ng mga banyagang manonood, ginawan ito ng remake sa Indonesia
  • Ang Indonesian actor na gumanap sa karakter ni Empoy ay may malaking pagkakahawig sa kaniya

May pagkakahawig sa Filipino comedian actor na si Empoy Marquez ang gumanap sa kaniyang karakter sa Indonesian remake ng itinuturing na highest-grossing Filipino independent film—ang Kita Kita—na pinagbidahan nila ni Alessandra De Rossi.

Mga imahe mula sa Facebook page nina Empoy at Dodit Mulyanto

Sa Oktubre 10 ang world premier ng Indonesian remake na pinamagatang Cinta Itu Buta (mula sa English translation ng Love is Blind).

Ang mga bida sa Indonesian remake ay sina Shandy Aulia na gumanap bilang Dinah (Lea sa original film) at Dodit Mulyanto bilang Nik (Tonyo sa original film).

Kapansin-pansin ang malaking pagkakahawig ni Empoy kay Dodit, na ayon sa mga social media profile nito ay isa ring komedyante at singer.

Ang Indonesian remake ay kinunan sa South Korea, kung saan si Diah ay isang Indonesian tour guide na naninirahan sa Busan, South Korea. Samantala, ang Kita Kita ay kinunan naman sa Japan kung saan ang karakter na si Lea ay isang tourist guide sa Sapporo, Japan.

May mga original scene mula sa Kita Kita na mapapanood sa Cinta Itu Buta. Gayunman, mayroon pa rin umano itong pagkakaiba lalo na at ipakikita sa remake ang kultura ng mga Koreano at Indonesian.

Samantala, naiyak sa sobrang kagalakan ang direktor ng Kita Kita na si Sigrid Andrea Bernardo nang mapanood ang trailer ng Cinta Itu Buta. Sa Instagram post ng direktor, binati nito ang mga taong gumawa ng dalawang pelikula.

Imahe mula sa Cinta Itu Buta Official Instagram account

Dalawang taon na ang nakalilipas nang ipalabas ang Kita Kita ngunit nananatili ang impact nito sa mga nakapanood at mga tagasuporta.

Kung bibisita sa Pilipinas ang Indonesian actor na si Dodit Mulyanto, magkaroon kaya ng pagkakataon sila ni Empoy na magtandem sa isang comedy performance?