Endless Beauty: Dawn Zulueta, nag-post ng photos sa Instagram; netizens at celebrities nag-react




Larawan mula sa Instagram account ni Dawn Zulueta
  • Nahihilig ngayon ang aktres na si Dawn Zulueta sa pagpo-post ng kanyang throwback photos sa Instagram
  • Dahil sa angking ganda ng aktres, maraming netizens at celebrities ang humahanga sa ganda niya
  • Biro naman ni Zulueta, mas marami pang memory lane photos ang darating dahil marami pa siyang nahukay sa baul

Isa sa itinuturing na may pinakamagandang mukha sa showbiz ang aktres at host na si Dawn Zulueta. Simula nang pasukin niya ang pag-aartista noong dekada 80s, nabighani na ni Zulueta ang maraming Pinoy kaya naman hanggang sa kasalukuyan ay isa pa rin siya sa mga pinakatinitingalang aktres sa industriya.

Kahit nakagawa na ng sariling pangalan si Zulueta, hindi pa rin niya nakalilimutan ang mga panahong baguhan pa lamang siya bilang isang aktres. Patunay nito ang patuloy niyang pagbabahagi ng kanyang mga larawan noong kabataan niya na umaani ng positibong reaksyon mula sa kanyang mga tagahanga at maging sa mga kapuwa aktor.

Larawan mula sa Instagram account ni Dawn Zulueta

Makikita sa Instagram account ni Zulueta ang kanyang mga lumang larawan. Bawat larawan ay matiyagang nilalagyan ng caption ng aktres upang ipaalam sa kanyang mga followers ang istorya sa likod ng bawat kuha.

Ang pinakabagong post ni Zulueta ay ang kuha niya noong 1994 para sa romantic-comedy movie na “Sana’y Laging Magkapiling” kung saan gumanap siya bilang ang diyosang si Maria Makiling. Bagay na bagay sa aktres ang kanyang suot na puting damit na pinalalamutian ng mga bulaklak.

Dahil sa angking ganda ni Zulueta, napa-comment ang ilang artista kabilang na ang tinaguriang “Diyosa ng telebisyon” na si Anne Curtis.

“So pretty Mama Dawn!!!” sabi ni Curtis na tulad ni Zulueta ay makailang ulit na ring gumanap na diyosa sa telebisyon at pelikula.

Sumunod namang ibinahagi ni Zulueta ang kanyang classic 80s look na mayroong makapal na buhok at malalaking burloloy sa katawan. Biro ng aktres, dahil daw sa malaking volume ng kanyang 80s hair, ay hindi raw siya makarinig nang maayos.

Humanga rin sa larawang ito ang ilang celebrities kabilang na ang mga komedyanteng sina Arlene Mulach at Kakai Bautista.

Isa pang photo mula sa 80s ang ibinahagi ni Zulueta kung saan makikita naman ang malaking ribbon sa ulo niya. Dagdag pa ng aktres, tila hindi raw siya mauubusan ng mga lumang larawan dahil mahilig talaga siyang maghukay ng baul.

Larawan mula sa Instagram account ni Dawn Zulueta

Umani naman ng papuri ang walang kupas na ganda ni Zulueta at sinabing ang mga lumang larawan niya ay kasing ganda pa rin ng Zulueta sa kasalukuyan.

Inaabangan naman ng kanyang mga fans ang iba pang ibabahaging old photos ni Zulueta na tila parte na ng kanyang routine para pasayahin ang mga tagahanga.