Dennis Padilla, nagpasalamat sa respeto ni Joshua; hiniling na mag-reply si Gerald sa kanya




Images via Joshua Garcia, Dennis Padilla, Gerald Anderson | Instagram
  • Nagpasalamat si Dennis Padilla sa respeto sa kanya ni Joshua Garcia, ex-boyfriend ng anak niyang si Julia Barretto
  • May mensahe rin ito sa naiuugnay kay Julia na si Gerald Anderson
  • Sinabi rin ni Dennis na hindi siya sumasakay sa nangyayari at pusong ama ang pinaiiral niya

Nagpasalamat ang aktor na si Dennis Padilla sa respeto sa kanya ng aktor na si Joshua Garcia; ang dating kasintahan ng kanyang anak na si Julia Barretto.

Image via Dennis Padilla | Instagram

“Nakilala kita. Formal kang humarap sa akin kaya ginagalang kita. Kung pa’no mo ako nirespeto, gano’n kita nirerespeto,” wika ni Dennis nang tanungin ni Tonight With Boy Abunda host Boy Abunda kung anong mensahe niya kay Joshua.

Tinanong din si Dennis kung ano ang nais niyang sabihin sa naiuugnay ngayon kay Julia na si Gerald Anderson. Ibinahagi ng aktor na apat na beses siyang nagpadala ng mensahe kay Gerald ngunit hindi ito sumasagot sa kanya.

“Parang nakaapat na text na ako ro’n, ‘di siya sumasagot, e. E dapat sagutin mo naman ‘yong text ko,” sabi niya.

Ikinuwento rin niya na nakausap na niya ang aktor noong isang beses na hiniling niyang tawagan siya nito.

“‘Yong nilalaman ng pag-uusap namin, ‘di ko puwedeng ibahagi. Pero ang totoo ro’n, actually, ako ‘yong nag-text. Sabi ko, ‘Puwede mo ba akong tawagan? Si Dennis Padilla ‘to.’ Siguro mga after 45 minutes tumawag naman. Tapos may niliwanag lang ako sa kanya. Sabi ko lang, ‘Anak ko ‘yan….Pinapaalala ko lang na anak ko si Julia Barretto,” pagbabahagi ng aktor.

Samantala, nilinaw din ni Dennis na hindi siya sumasakay sa mga nangyayari kay Julia na naiuugnay sa hiwalayan nina Gerald at Bea Alonzo. Aniya, damdamin lamang ng isang ama ang umiiral sa kanya.

“Tatay ako, e….Hindi ako sumasakay. Anak ko ‘yon. Hindi ko kailangang sumakay,” sabi ng actor-comedian.

Ilang ulit na ring tiniyak ni Julia na wala siyang anumang ugnayan sa aktor na naka-love team niya sa Between Maybes.

Images via Julia Barretto | Instagram

Narito ang TWBA episode kung saan nagbigay ng mensahe si Dennis kina Joshua at Gerald:

Ipinahayag din ni Dennis kung ano ang nararamdaman niya sa gitna ng mga nangyayari kay Julia: 

Source :

YouTube, YouTube