Dance performance ng aso at bata, kinaaliwan sa social media




Image capture via Uggie von Muller's FB video
  • Kinaaaliwan sa social media ang video ng dance performance ng isang bata at ng kanyang alagang aso
  • Makikita sa video na para bang sanay na sanay na sa pagtatanghal nang magkasama ang dalawa
  • As of posting, nakakuha na ang video ng mahigit 10,000 reactions, lampas 43,000 shares, at halos 1.3 million views

Dogs are man’s best friend, sabi nga nila; loyal, mapagmahal, malambing, madaling turuan, parang isang kaibigan na kayang sakyan ang mga gusto sa buhay.

Image capture via Uggie von Muller’s FB video

Sa Facebook, kinaaliwan ngayon ang video ng dance performance ng isang bata at ng kanyang alagang aso. Makikita sa video na para bang sanay na sanay na sa pagtatanghal nang magkasama ang dalawa. Sumusunod din sa mga senyas ng batang babae ang aso at talaga namang nagtutugma ang kanilang steps sa pagsasayaw.

“Ang galing ng tandem!” komento ng Facebook user na si Jovy Ruma.

“She’s got her one smart dog and she knows what to do. You go girl” ani Gayla Crosgrove-Luna. [Mayroon siyang matalinong aso at alam niya kung anong gagawin.]

“Ang cute! Galing-galing naman. I love you, babies!” wika ni Psalm Nihon.

Marami tuloy ang nakaisip na ano kaya kung turuan din nila ang kanilang mga alagang aso. Mayroon ding mga biglang nangarap na magkaroon ng alaga na makakalaro at makakasama nila sa kanilang mga “trip”.

As of posting, nakakuha na ang video ng mahigit 10,000 reactions, lampas 43,000 shares, at halos 1.3 million views. Panoorin ito at maaliw sa galing na ipinakita ng hindi pangkaraniwang tandem! Ibahagi mo na rin sa comments section ang iyong mga hindi makalilimutang moments kasama ang iyong  minamahal na alaga.

I-click ang imahe para mapanood ang video.
Source :

Facebook