Dalawang pisong bayad sa bawat plastic drinking straw iminungkahi ni Senator Sonny Angara




Imahe mula sa Pixabay

• Dalawang pisong singil sa bawat plastic straw na gagamitin ng customers, ipinanukala
• Sa ilalim ng mungkahi, sisingilin ang mga customers kada plastic straw na gagamitin nila
• Layunin ng panukala na mabawasan ang paggamit ng mga plastic

Sa layuning mabawasan ang paggamit ng mga plastic, iminungkahi ni Senator Sonny Angara na magkaroon ng bayad ang plastic straw na ginagamit sa mga inumin na nabibili sa mga tindahan – supermarket man o sari-sari store.

Public domain image

Isinumite ni Senator Angara ang Senate Bill No. 952 o “Proposed Straw Regulation Act” upang pigilan ang nakasayan na ng lahat na gumamit ng plastic drinking straw sa mga inumin at pre-packed beverages.

Sa ilalim ng mungkahi, sisingilin ang mga customers ng dalawang piso kada plastic straw kung gusto nilang gumamit ng straw.

“Plastic straws will only be provided upon request by the customers. We should consciously put a stop to the practice of automatically providing straws to customers upon buying their beverages,” sabi ni Senator Angara.

Bukod sa layuning mabago ang kinasanayan ng mga customers na gumamit ng plastic drinking straw, target din ng panukala na atasan ang mga manufacturers na huwag ikabit ang straw sa produkto. Kung gusto ng customer na gumamit ng straw ay kailangan niyang i-request sa tindahan at magbayad ng P2 bawat straw.

Hinihikayat din ni Senator Angara ang mga manufacturers ng mga pre-packed beverages na gumawa ng bagong disenyo ng kanilang mga produkto upang mainom iyon ng mga customers nang hindi na kailangang gumamit ng straw.

Imahe mula sa Pixabay

Dapat din na mayroong straw disposal at collection facilities ang mga commercial establishments upang masiguro na ang mga plastic straw ay maayos na maire-recycle.

May kaakibat na multa ang panukala sa mga establisyimentong lalabag. Sampung libong piso sa first offense, P20,000 sa second offense at P50,000 sa ikatlong paglabag at kakanselahin na ang business permit sa mga kasunod na violations.