Confirmed na? Vice Ganda, nag-post ng mensahe sa rumored boyfriend na si Ion Perez




Larawan mula sa Instagram account ni Vice Ganda
  • May makahulugang mensahe si Vice Ganda para sa kanyang rumored boyfriend na si Ion Perez
  • Para sa ilan, ito na ang hinihintay na kompirmasyon ni Vice tungkol sa relasyon nila
  • Natuwa naman ang mga kaibigan at fans ni Vice sa kanyang post ng pagmamahal kay Ion

Maliban sa kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula, inaabangan din ng fans ng host at komedyanteng si Vice Ganda ang estado ng kanyang lovelife. Simula nang pumasok ito sa showbiz, puro tsismis lamang ang naririnig ng fans tungkol sa kanyang special someone.

Pero iba na ang ihip ng hangin ngayon dahil ang nali-link kay Vice ay isang co-host niya sa noontime show na It’s Showtime, si Kuya Escort o Ion Perez sa totoong buhay. Matagal nang umiikot ang balitang magkasintahan na sila, pero walang kompirmasyon mula sa dalawa at puro pahaging lamang sa isyu.

Larawan mula sa Instagram account ni Vice Ganda

Mukhang ang hinihintay na kompirmasyon ng fans ay nasa isang Instagram post ni Vice. Sa unang pagkakaton, nag-post siya ng larawan nilang dalawa lamang ni Ion at naglagay ng caption patungkol sa pagmamahal at kaligayahan.

“Everybody deserves to love and be happy. Everybody includes YOU and ME,” pangmalakasang caption ni Vice sa larawan nila ni Ion na magkahawak ang kamay mula sa ABS-CBN Games noong nakaraang buwan.

Nakadagdag pa sa ‘kompirmasyon’ ang mensahe ng mga kasama sa showbiz na siya ring malalapit na kaibigan ng komedyante. Sabi ng The General’s Daughter star na si Angel Locsin, masayang-masaya siya para kay Vice.

“Haneeeeeeeepppp!!! Happy for you ati!” sabi ni Angel na naging co-host din ni Vice sa noontime show nila ni Ion.

Napa-“ayshuuuuuuuuuusssh!” naman ang co-host at kapatid sa industriya ni Vice na si Anne Curtis. Isa si Anne sa close friends ni Vice kaya updated ito sa kanyang lovelife.

Larawan mula sa Instagram account ng fan page ni Vice Ganda

Pinusuan din ng kapwa Kapamilya celebrities ang post ni Vice kabilang sina Bea Alonzo, Gretchen Ho, Marco Gumabao, Kyle Echarri, at Elisse Josonn.

Makikita naman sa Instagram stories ni Ion Perez ang screenshot ng mga larawan nila ni Vice sa It’s Showtime na lalong nakapagpadagdag sa kilig sa kanilang fans.