‘Cassie’ at ‘Marga’ ng ‘Kadenang Ginto’, kasama sina ‘Celine’ at ‘Margaux’ ng ‘Ina, Kapatid, Anak’




Official posters, and image capture from The Gold Squad's YouTube account
  • Kinaaliwan ng marami ang latest vlog ng “The Gold Squad” sa YouTube
  • Tampok sa vlog ang pamba-bag raid nina Cassie at Marga sa main stars ng “Ina, Kapatid, Anak”
  • Nakakuha na ng lampas isang milyon views ang nasabing vlog

Katulad ng kasikatan ngayon ng onscreen rivalry nina Cassie at Marga sa “Kadenang Ginto”, ganoon din tinanggap ng mga manonood noon ang tagisan nina Celine at Margaux sa hit television series na “Ina, Kapatid, Anak”.

“Ina, Kapatid, Anak” and “Kadenang Ginto” posters

Kaya naman marami ang natuwa sa pagsasama nina Cassie (Francine Diaz), Marga (Andrea Brillantes), Celine (Kim Chiu), at Margaux (Maja Salvador) sa latest vlog ng The Gold Squad.

“Remember Margaux and Celine of Ina, Kapatid, Anak? Well, they just had a face to face encounter with Cassie and Marga and what follows is a convo full of laughters and good vibes. Watch Kim Chiu and Maja Salvador do the bag raid challenge with our Gold Squad sweethearts, Andrea and Francine,” saad sa caption ng YouTube video na may pamagat na “Binag Raid Si Ate Kim at Si Ate Maja sa Amerika ng Frandrea”.

[Natatandaan pa ba ninyo sina Margaux at Celine ng ‘Ina, Kapatid, Anak’? Kamakailan ay nakaharap nila sina Cassie at Marga, at nagkaroon ng isang kuwentuhang puno ng katatawanan at good vibes. Panoorin sina Kim Chiu at Maja Salvador sa bag raid na ginawa ng ating Gold Squad sweethearts na sina Andrea at Francine.]

Tuwang-tuwa ang fans sa vlog dahil hindi lamang ito naging dahilan para malaman nila ang mga dinadala ng favorite stars nila, kung hindi nakasagap din sila ng mga kuwento mula sa mga iniidolo nila. Idagdag pa ang biglaang paglapit ni Seth Fedelin sa ka-love team na si Andrea para kunin ang wallet niya, na mayroon palang larawan nilang dalawa! Bistado?

Image capture from The Gold Squad | YouTube

As of posting, nakakuha na ng lampas 1.2 milyon na views ang nasabing video. Mayroon na rin itong 41,000 likes. Panoorin:

Source :

YouTube