BTS fangirl to the next level: Arci Muñoz nag-aaral ng Korean language sa UP




Imahe mula sa Instagram account ni Arci Muñoz
  • Very vocal ang aktres na si Arci Muñoz sa kaniyang pagiging BTS fangirl
  • Isa ang BTS sa mga dahilan kung bakit nais niyang matuto ng Korean language 
  • Gayunman, mas nais niyang matuto dahil naniniwala siya sa kahalagahan ng edukasyon sa ating buhay

Nananatiling popular ang kulturang Koreano o K-pop sa buong mundo. Isa sa mga kinahuhumalingan ng mga K-pop fans ay ang Korean boy band na BTS (Bulletproof Boy Scouts o Bangtan Sonyeondan).

Marami ring mga female celebrities sa Pilipinas ang kinikilig sa BTS at isa na rito ang aktres na si Arci Muñoz na dinala sa ibang level ang pagiging fangirl.

Imahe mula sa Instagram account ni Arci Muñoz

Ayon sa isang panayam ng Pep sa aktres, sinabi ni Arci na nag-enrol siya sa University of the Philippines (UP) sa Diliman, Quezon City at kumuha ng short course sa Foreign language.

Ang first choice umano niya ay ang Spanish language dahil isa siyang half-Spanish. Sa tuwing may family gathering, lahat ng kaniyang mga kapamilya ay nagsasalita ng wikang ito.

Gayunman, dahil umano mahirap ang makakuha ng slot sa UP, Japanese at Korean languages na lamang ang kaniyang napagpilian. At pinili niya ang Korean dahil sa BTS.

“Kasi po sobrang fan ako ng BTS, gusto ko pong matuto ng Korean,” paliwanag ni Arci sa panayam.

Sobrang excited din ni Arci na magbalik sa UP upang muling mag-aral. Noong 2005 ay nag-aral siya roon at kumuha ng two-year certificate course sa Theater Arts ngunit one year lang ang kaniyang natapos.

Ang kaniyang pagbabalik sa UP ay tanda lamang na nais niyang patuloy na matuto, at kahit nasa tugatog siya ng kasikatan bilang isang celebrity actress ay pinahahalagahan pa rin niya ang edukasyon.

Imahe mula sa Instagram account ni Arci Muñoz

“We cannot ignore the importance of education in our lives. Though we all take birth in same manner. however do not get the same opportunity to receive such type of formal education. That’s why I strongly believe in Bantay Bata’s Bantay Education,” ayon sa isa niyang Instagram post.

Si Arci ay nagsimulang mag-aral muli sa UP noong Setyembre 7. Tuwing Sabado ang kaniyang klase.

Source :

Pep, Instagram