Bill of Rights ng mga taxi passengers laban sa mga abusadong driver ipinanukala




Imahe mula sa SMNI
  • Isang panukala ang isinulong para maprotektahan ang mga pasahero laban sa mga pasaway na taxi drivers
  • Inihain ni Senator Sherwin Gatchalian sa senado ang Senate Bill No. 730 o “Bill of Rights of Taxi Passengers”
  • Sa ilalim ng panukala, hindi lang driver, kundi maging taxi operator ay papatawan ng parusa

Bilang na ang araw ng mga pasaway na taxi drivers na namimili ng isasakay, abusado at bast0s sa kanilang pasahero sa panukalang batas na magtatakda ng mga karapatan ng mga taxi passengers.

Imahe mula sa Abante

Isinusulong ni Senator Sherwin Gatchalian ang Senate Bill No. 730 o “Bill of Rights of Taxi Passengers” na layong protektahan ang mga pasahero laban sa mga abusadong taxi drivers.

Ipinaliwanag ni Senator Gatchalian na upang matugunan ang problema sa mga pasaway na mga taxi drivers at maiwasan na mabiktima ang mga pasahero dapat na magkaroon ng passenger bill of rights at kaukulang parusa sa mga abusado at bast0s na tsuper.

Aniya, patuloy na nabibiktima ang mga pasahero, kabilang na ang mga turista, ng mga “enterprising cab drivers” dahil sa kakulangan ng batas na nagbibigay ng proteksyon sa mga mananakay.

“In order to address this problem and prevent any more untoward incidents of this nature to occur in the future, a passenger bill of rights is hereby proposed to protect the commuting public from abusive, itinerant, and discourteous drivers and provide sanctions for the offenses they commit against the riding public,” anang mambabatas.

Imahe mula kay Sen, Win Gatchalian

Dismayado na rin umano ang riding public sa kakulangan ng mga law enforcers na rumeresponde sa mga reklamo nila laban sa mga abusadong taxi drivers.

Sa ilalim ng panukala, ang mga taxi passengers ay magkakaroon ng karapatan na mapagsilbihan ng taxi driver na nakasuot ng maayos na damit, may suot na company ID at hindi nakainom ng alak o ng bawal na gam0t.

Sinasabi rin sa mungkahi na dapat sunduin at ihatid ang pasahero saan man ang kanyang destinasyon gaano man iyon kalayo a anumang kondisyon ng trapiko. Dapat din na nakikita ng pasahero ang metro ng taxi na dumaan sa tamang calibration at bayaran lang ang halagang nakarehistro sa metro. Dapat din na ibigay ang eksaktong sukli.

May multang mula P1,000 hanggang P5,000 at suspensyon ng lisensya mula pitong araw hanggang isang taon sa mga lalabag na taxi drivers.

Bukod sa driver ay pananagutin din ang taxi operator sa pamamagitan ng suspensyon ng prangkisa.