Bilang suporta sa mga Pilipinong magsasaka, palay-inspired barong tagalog sinuot ni Francis Magundayao




Mga imahe mula sa Facebook page ni Francis Magundayao at Pixabay
  • Isang Kapamilya young actor ang hinangaan ng mga netizens sa pagpapalaganap ng awareness tungkol sa sitwasyon ng mga Pilipinong magsasaka
  • Ang aktor ay nagsuot ng palay-inspired barong tagalog sa ABS-CBN Ball 2019
  • Naniniwala ang aktor na tungkulin din ng mga artista na magpahayag ng katotohanan

Hinangaan ng maraming netizens ang pagsusuot ng kapamilya actor Francis Magundayao ng palay-inspired barong tagalog sa gabi ng ABS-CBN Ball 2019.

Nais ni Magundayao na ipakita ang kaniyang suporta sa mga Pilipinong magsasaka na nakararanas pa rin hanggang sa kasalukuyan ng mga pang-aabuso sa kamay ng mga naglalakihang kapitalista sa bansa.

Imahe mula sa Facebook page ni Francis Magundayao

Sa isang Facebook post ng aktor, sinabi nito na ang mga magsasaka ang una niyang naisip nang malaman niya ang tema ng ABS-CBN Ball 2019 na “Modern Filipiniana.”

Bilang isang alagad umano ng sining, naniniwala si Magundayao na bahagi ng pagiging artista ang magpahayag ng katotohanan. Nais niyang magkaroon ng awareness ang mga tao sa mga paghihirap ng ating mga magsasaka.

“In light of Ms. Gina Lopez’s legacy I was also inspired to share my own advocacy. Our farmers have long been oppressed by big capitalist powers, and it’s our duty as Filipinos to raise such awareness,” pahayag ng aktor.

Ang designer na si Paolo Baltazar ang nagdisenyo ng barong tagalog ni Magundayao. Sa isang Facebook post ng designer sinabi nitong: “For all the hard work and sacrifices of our farmers and [to] show our pride in the Philippines.”

Umani ng maraming “likes” at “share” ang Facebok post ni Magundayao. Marami ang natuwa sa ipinamalas na malasakit nito sa tunay na kalagayan ng mga Pilipinong magsasaka.

Ayon sa isang komento ng isang netizen, “Thank you! Despite you are young yet you know how to give importance to our farmers… Kudos to you and of course to the designer.”

Imahe mula sa Facebook page ni Francis Magundayao

May mga nagpasalamat din sa actor dahil ginamit nito ang pagkakataon na imulat ang kaniyang mga fans at social media followers tungkol sa kahalagahan ng ating mga magsasaka.

Sa ipinamalas na ito ng young actor, nadagdagan ang respeto at paghanga sa kaniya ng mga Pilipino.

Source :

Facebook