Balik-tanaw: Naranasan mo na bang mag-squat bilang parusa habang nagkaklase?




Imahe mula kay Haroldchris Cagatin Cantoria | Facebook
  • Nagbalik ng maraming alaala ang larawan na ibinahagi ng isang netizen sa kaniyang Facebook post
  • Makikita rito ang mga batang nakalupagi sa harap ng pisara habang sila ay pinapagalitan ng kanilang guro
  • Ang pagpapalupagi o pagpapa-iskuwat sa mga bata ay isang paraan ng pagdidisiplina noon sa mga mag-aaral sa tuwing sila ay may nagagawang kasalanan

Masasabi nga na sa ating pagtanda ay hindi lamang masasayang alaala ang masarap balik-balikan. Minsan, nakakatuwa ring magbalik-tanaw sa mga pangyayaring nagpaiyak at nagparamdam sa atin ng kalungkutan.

Imahe mula kay Haroldchris Cagatin Cantoria | Facebook

Sa kaniyang Facebook post noong September 6, ibinahagi ni Haroldchris Cagatin Cantoria ng isang larawan na nagbalik ng maraming alaala sa netizens.

“Balikan ang nakaraan. Sino nakaranas nito dati?” ayon sa caption ni Haroldchris.

Makikita sa lumang larawan na kaniyang in-upload ang madalas na gamiting paraan ng mga guro sa pagdidisplina ng mga mag-aaral noon.

Noon, hindi sapat ang galit ng mga guro para pangaralan ang mga pasaway na estudyante. May kasama pa ito minsan na ibang parusa tulad na lamang ng pagpapatayo sa likuran habang nagkakaklase o ‘di kaya ay pagpapalagay ng kamay sa harapan habang nakaiskuwat sa may tabi ng pisara.

Marami naman ang nagpahayag ng kanilang saloobin matapos makita ang litratong ibinahagi ng netizen. Samantala, ang ilan naman ay inalala ang kanilang mga naging karanasan sa loob ng paaralan.

“Nakahawak pa nga minsan sa tenga habang naka-squat eh,” pagbabahagi ni CZDM.

“Kapag ginawa iyan ngayon, sasabihin sinasaktan ang mga estudyante. Kaya mas disiplinado ang mga estudyante noon eh,” komento ni MM.

Imahe mula sa Pixabay

“After ng punishment namin noon lahat nagtatawanan lang, pero ngayon baka ipapa-Tulfo na kayo,” sabi ni RL.

“‘Yung ganitong way ng pagdidisiplina pero iyong lesson learned dala-dala pa rin hanggang ngayon.. Proud to be [batang] 90’s,” ayon naman kay LDJG.

Source :

Facebook