Balik-tanaw: Ang Muhlach cousins ng Philippine entertainment industry




Images via @arlenemuhlach and @oninmuhlach | Instagram
  • Malaki ang naging kontribusyon ng angkan ng mga Muhlach sa showbiz industry ng Pilipinas
  • Napakaraming naging proyekto nina Aga Muhlach, Niño Muhlach, at ng iba pang Muhlach na pinasok ang mundo ng pag-aartista
  • Malapit din sila sa isa’t isa kaya naman kinagigiliwan ng mga fans ang mga luma nilang larawan

Madalas mapanood sa telebisyon man o sa pelikula ang mga Muhlach; ang magkakamag-anak na aktor na hindi maitatangging nagkaroon ng malaking kontribusyon sa Philippine entertainment industry.

Image via @arlenemuhlach | Instagram

Napakaraming naging proyekto nina Niño Muhlach, Aga Muhlach, at ng iba pang mga Muhlach na pinasok ang mundo ng pag-aartista; simula sa pagiging “Child Wonder of the Philippines” ni Niño hanggang sa pagiging matinee idol ni Aga, at sa mga naging palabas ng iba pang mga Muhlach, katulad nina Arlene at Liezl.

Ang sikat na sikat na child star noon na si Niño, o Angelo Jose Rocha Muhlach sa tunay na buhay, ay kinagiliwan sa mga pelikulang “Peter Pandesal” (1977), “Bruce Liit” (1978), “Darna at Ding” (1980), at iba pa.

Si Aga naman, o Ariel Aquino Muhlach, ay minahal ng viewers sa “Bakit Labis Kitang Mahal” (1992), “May Minamahal” (1993), “Sana Maulit Muli” (1995), at iba pa. Nakilala rin siya bilang Doc Aga sa television series na “Oki Doki Doc” (1993).

Si Arlene naman, na ang tunay na pangalan ay Arlyn Muhlach, ay kilala sa kanyang roles sa “Kaya Kong Abutin Ang Langit” (1984), “Shake Rattle and Roll Fourteen: The Invasion” (2012), “Walang Hanggan” (2012), at iba pa. Siya ay nakatatandang kapatid ni Aga.

Samantala, ang late actress na si Liezl, o Anna Lisa Muhlach Sumilang, ay naging child sensation noong 1970s. Bago lumisan sa mundo ay naging bahagi siya ng Movie and Television Review and Classification Board kung saan siya nakapag-ambag nang husto. Dahil dito, ang fourth floor board room ng building nito ay tinawag na Liezl S. Martinez Hall.

Image via @liezlmartinez | Instagram

Cousins, close friends

Samantala, malapit din sa isa’t isa ang magpipinsan kaya naman kinagigiliwan ng mga fans ang mga luma nilang larawan na ibinabahagi nila sa photo-sharing app na Instagram. Kadalasan kasi ay magkakasama sila sa mga larawan na ito at halatang masaya sa tuwing magkakasama. Puring-puri din ang magandang lahi ng magpipinsan.

Ikaw, natatandaan mo pa ba ang magpipinsang palaging tampok noon sa movies at television programs? Sino ang pinakapaborito mo sa kanila at gaano ka naging fan noon? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!