Balik-tanaw: Ang kontribusyon sa showbiz industry ng late veteran actor na si Lito Legaspi




Images via susanroces.blogspot.com and isamunangpatalastas.blogspot.com
  • Malaki ang naiambag ng late veteran actor na si Lito Legaspi sa showbiz industry
  • Naging bahagi si Lito ng mahigit 120 pelikula at television shows 
  • Siya ang ama ng mga aktor na sina Zoren, Kier, at Brando

Hindi maitatanggi kung gaano kalaki ang naging kontribusyon ng late veteran actor na si Lito Legaspi sa showbiz industry; mula sa pagiging matinee idol, action star, hanggang sa roles na ginampanan niya –bida man o kontrabida– sa mga huling proyektong ginawa niya bago tuluyang mamaalam.

Image capture via Instagram

Setyember 8, 2019 noong lumabas ang balitang namaalam na ang batikang aktor, ilang araw bago ang nakatakdang pagdiriwang ng kanyang ika-78 na kaarawan sa Setyembre 10. Marami ang nalungkot. Bumaha rin ng mga mensahe at tribute sa social media. Ngunit sa kabila nito, hindi ba’t masarap balikan kung paano siya naging bahagi ng industriya?

Mahigit 120 pelikula at television shows ang kinabilangan ni  Lito simula noong 1959.

Kabilang siya sa 1959 comedy film na “Ipinagbili Kami Ng Aming Tatay”, kasama ang Comedy King na si Dolphy. Noong 1963, ipinakilala siya ng Sampaguita Pictures bilang isa sa mga bagong teen stars sa industriya; kasama ang mga ka-batch niya na sina Rosemarie Sonora, Gina Pareno, Dindo Fernando, Pepito Rodriguez, Romeo Rivera, Bert Leroy, Jr., at iba pa.

Naging isa siya sa mga pinakatanyag na matinee idols kahilera nina Eddie Gutierrez, Jose Mari Gonzales, Romeo Vasquez, Greg Martin, at Juancho Gutierrez.

Noong 1997, nagwagi siya ng Best Supporting Actor Award sa Gawad Urian para sa kanyang pagganap sa “Sinong Kapiling? Sinong Kasiping?” Isa rin sa mga remarkable role niya ay ang pagganap bilang Mayor Rodrigo Duterte — na ngayon ay pangulo na ng bansa–sa pelikulang “Pugoy Hostage: Davao” noong 1992.

Image capture via Instagram

Siya ang ama ng mga aktor na sina Zoren, Kier, at Brando Legaspi. Bago mamaalam, ilan sa mga naging proyekto niya ang “FPJ’s Ang Probinsyano” at “My Special Tatay”.

Sa pamamagitan ng ilang larawan at movie posters, ating balikan ang mga naging ambag ni Lito sa industriya video na ibinahagi ng Pinoy Celebrities via YouTube: