Babae, hinayaang matulog sa balikat niya ang engineering student na mukhang pagod




Image via @kaceexxiilabs | Twitter
  • Hinayaan ng isang babae na matulog sa balikat niya ang engineering student na nakasakay niya
  • Ani Kate Alab-ab, alam niyang hindi biro ang kurso nito
  • Nakita ng estudyante ang tweet at nagpasalamat ito kay Kate

Kung ang iba ay nagagalit kapag may nakakatulog sa balikat nila kapag nasa biyahe, pinili naman ng isang babae na huwag nang gisingin ang nakasakay niyang engineering student dahil mukha itong pagod.

Image capture from Twitter

Sa Twitter, ibinahagi ni Kate Alab-ab ang naging karanasan niya sa isang pampublikong sasakyan. Kuwento niya, pumayag siya na maging literal na “shoulder to lean on” ng estudyante dahil nauunawan niya ang sitwasyon nito.

“Lend a shoulder to lean on. Dear kuyang taga-Mapua, feel free to lean on me. Alam kong hindi biro ang college and knowing na taga-Mapua ka pa. I’m sure engineering course ka. Fighting, kuya, ipasa at tapusin mo ang course mo!” aniya.

Kuwento ni Kate, hindi ito ang unang beses na hinayaan niyang matulog sa balikat niya ang isang taong hindi niya kilala.

“Year 2018, I did the same thing. But that time, babae ang naka-lean sa akin. Based on my observation, working na si ate. Some of the comments (say) g’wapo si koyang taga-Mapua kaya hinayaan kong sumandal. But my point is, it is not about the looks, it is about how you act as a human,” sabi niya, para na rin linawin ang purpose ng ginawa niya.

Nag-viral ang nasabing tweet; na nakakuha na ng mahigit 2,400 retweets at lampas 26,900 favorites, as of posting.

Nakarating na rin ito sa engineering student, na nagpasalamat sa kabutihang loob na ipinakita niya.

“Sorry po, miss. Hindi na napigilan ang antok. Thank you po,” wika ng estudyanteng si David Olaso.

Image capture from Twitter
Source :

Twitter, Twitter