Audience to instant host: Kuya Wil ginawang instant host ang isang estudyante ng PUP




Image capture mula sa Video ng Wowowin via Youtube
  • Naging instant co-host si Rashid Locsin, isang estudyanet ng PUP, nang mapansin siya ni Kuya Wil
  • Sinamantala ni Locsin ang pagkakataon at ipinakita ang kakayahan sa hosting
  • Tinawag siya ni Kuya Wil sa harap para maging instant host bago siya pinaayusan sa mga staff  

Pumasok ang isang estudyante ng PUP sa Wowowin bilang isang manonood ngunit nauwi siya sa pagiging instant host ng programa.

Image capture mula sa Video ng Wowowin via Youtube

Sandaling naging host ng sikat na programa si Rashid Locsin, isang Journalism student ng PUP-College of Communication matapos siyang mapansin ni Willie Revillame habang kasama ang mga kapwa niya estudyante. Nagtatanong noon si Kuya Wil sa mga tagapanood kung ano ang pinag-iipunan nila sa nalalapit na Pasko nang mag-ingay ang grupo ni Locsin.

Sa puntong iyon, inabutan ng mikropono si Locsin para sagutin ang tanong. Ibinahagi ni Locsin na isang magazine project ang pinag-iipunan nila.

Tila sinamantala niya ang pagkakataon na magsalita kaya ginamit niya iyon upang ipahayag ang kagustuhang maging host. “Kuya Wil, gusto ko mag-host talaga,” aniya. “Hello, everybody! Welcome to Wowowin,” masigla niyang bati na parang isang host.

Hindi niya inakala na ang simpleng linya niyang iyon ang magtutulak kay Kuya Wil na tawagin siya sa harap, kasama ang tatlo pang co-hosts ng Wowowin. Namangha si Kuya Will sa stage presence at nakakatawang hirit ni Locsin kaya naman inutusan niya ang staff ng programa na ayusan si Locsin.

Halos hindi makapaniwalang sumunod na lang si Locsin papunta sa backstage. Maya-maya pa ay bumalik si Locsin na ayos na ayos na. Tinawag niya ang kanyang hitsura na “gandang minadali” na ikinatuwa ng lahat.

Image capture mula sa Video ng Wowowin via Youtube

Kahit panandalian lamang ang kanyang pagiging host, hindi maikakailang marami siyang napatawa at napasaya. Todo rin ang pasasalamat niya sa pagkakataong ibinigay ng Wowowin sa kanya para tuparin ang pangarap niya.

“Sobrang salamat po sa mga nanood at nanonood pa rin sa Youtube. Ang dami dami dami sa’kin nagpi-pm sa chat sa text at sa Instagram. Hindi ko na po kayo mareplyan at ma-confirm,  pasensya na po pero sobrang thank you from the bottom of my heart  up to esophagus. Nakakatuwa lang kasi kahit ganun yung hitsura ko dun daming natuwa at nawala yung pagod dahil napanood ako. Sobrang thank you. Love you all,” ani Locsin sa kanyang Facebook post noong September 8; dalawang araw matapos iere ang palabas kung saan siya naging instant host.

Source :

Youtube, GMA News