Asawa ng scout ranger, kinuwestiyon ang pagsusuot ni Gerald Anderson ng tabak sa ABS-CBN Ball; PH Army, dumepensa




Imahe mula sa @abscbnball | Instagram
  • Naging usap-usapan sa social media ang pagsusuot ni Gerald Anderson ng scout ranger pin sa Star Magic Ball
  • Dinepensahan agad ng Philippine Army ang aktor at sinabing ipinagmamalaki lamang ni Gerald ang natutunan nito matapos ang kaniyang three-day training sa sandatahang lakas
  • Pinanindigan naman ng misis ng isang sundalo na mga taong karapat-dapat lamang ang nagsusuot ng tabak dahil hindi madali ang pinagdadaanan ng mga sundalo para makatanggap nito

Kinuwestiyon ng misis ng isang sundalo ang pagsusuot ni Gerald Anderson ng scout ranger pin sa kaniyang luntiang barong sa nakaraang ABS-CBN Ball.

I-click ang imahe para basahin ng buo ang post

Sa viral post ni Jo Anne Avenido Arevalo sa Facebook noong September 15, ipinahayag niya ang kaniyang pagkagulat matapos makita ang suot ng aktor na si Gerald Anderson sa ABS-CBN Ball 2019.

“I have nothing personal against Gerald Anderson. I do not know him personally nor have we ever met,” ayon sa unang parte ng post ni Jo Anne.

“But is his wearing the Scout Ranger tabak in the Star Magic Ball authorized? Is this proper? A wife of a junior officer brought this to my attention. It bothered her sensitivities…so did mine.”

Ipinaliwanag rin ni Jo Anne na hindi basta-basta nakukuha ng mga sundalo ang tabak pin. Matinding sakripisyo at pagmamahal sa bayan ang ipinamamalas ng mga sundalo bago makatanggap nito. Dinepensahan naman ng Philippine Army ang pagsusuot ni Geral ng scout ranger pin sa ball.

Sa ulat ng CNN, sinabi ni PH Army spokesperson Lt. Col Demy Zagala na ang pagsusuot ng aktor ng tabak ay simbolo ng kaniyang suporta sa sandatahang lakas.

Imahe mula kay @andersongeraldjr | Instagram

Ayon sa kaniya, “He takes pride in what he was able to overcome in that training and he was able to deepen his appreciation with regards to the noble profession of arms.”

Pinanindigan naman ni Jo Anne na hindi isang palamuti o pandagdag sa kasuotan ng kung sinoman ang tabak pin. Tanging mga tunay na rangers lamang na kabilang sa elite group ang maaaring magsuot ng badge na ito.

Source :

Facebook, CNN