Anak nina Drew at Iya Arellano na sina Primo at Leon, may nakaaaliw na birthday party theme




Imahe mula kay Iya Villania-Arellano via Instagram
  • Napagkasunduan ng celebrity couple na sina Iya Villana at Drew Arellano na pagsabayin ang birthday celebration ng dalawa nilang anak na sina Primo at Leon
  • Agaw-pansin ang naging tema ng kanilang birthday party dahil base ito sa kilalang Disney movie na Toy Story
  • Maraming mga celebrities kasama ang kanilang mga anak ay dumalo sa nasabing selebrasyon
Imahe mula kay Iya Villania-Arellano via Instagram

Kilala ang couple celebrity na sina Drew Arellano at Iya Villania bilang isa sa mga nagtagal na magkasintahan sa industriya.

Kaya naman naging usap-usapan ng marami ang kasalan ng dalawa noong 2014, ito ay pagkatapos ng sampung taon nilang pagiging magkasintahan.

Halos dalawang taon mula nang sila ay ikinasal, isinilang ni Iya noong 2016 ang kanilang panganay na anak na pinangalanan nilang Primo.

Sa unang mga litrato pa lamang ni Primo bilang sanggol ay marami na ang nakapansin sa kagwapuhan nito. Saksi rin ang maraming Pinoy netizens sa paglaki ni Primo dahil sa mga social media posts tungkol sa kaniya ng kaniyang mga magulang na sina Drew at Iya.

Mapapansing lumaki si Primo na mayroong magandang asal at nakabibighaning personalidad.

Samantala, mahigit isang taon pagkatapos niyang isilang si Primo, isinilang naman ni Iya ang kanilang pangalawang anak na lalaki rin at kanilang tinawag na Leon.

Imahe mula kay Iya Villania-Arellano via Instagram

Lubos ang naging galak ng mag-asawa dahil sa ipinagkaloob sa kanilang dalawang anak na sadya namang napaka-cute at adorable.

Kamakailan ay sabay na ipinagdiwang nina Drew at Iya ang kaarawan nina Primo at Leon na araw lamang ang agwat.

Agosto 19 ang kaarawan ni Leon na ngayon ay isang taong gulang na, samantalang Agosto 30 naman ang kaarawan ng kaniyang kuya na si Primo na ngayon ay tatlong taong gulang na.

Sa selebrasyon ng kaarawan ng mga anak, naisipan nina Drew at Iya na piliin ang Disney movie na Toy Story bilang tema ng birthday party.

Imahe mula kay Iya Villania-Arellano via Instagram

Sa kaniyang latest posts sa Instagram, tuwang-tuwa si Iya tungkol sa naging selebrasyon ng kaarawan ng kanilang mga anak.

Bukod sa mga palamuti na hango sa Toy Story, mayroon ding mga ipinamigay na maliliit na sofa, mugs, bag, coin banks, at maski coloring set na base sa mga karakter sa pelikula.

I didn’t get to witness it but apparently everyone was trying to reserve their fave character mini sofa,” ani Iya sa kaniyang Instagram post.

Nakita rin na dumalo sa birthday party ang mga anak ng celebrities na sina Denise Laurel, Kylie Padilla at asawang si Aljur Abrenica, Camille Prats, John Prats at asawang si Isabel Oli, at Karen delos Reyes.