Anak, naging emosyonal nang makita ang mumunting mensahe niya noon sa libro ng ina




Imahe mula kay Cairence Marie | Twitter
  • Isang netizen na nag-aaral ng abogasya ang nagbahagi sa Twitter ng larawan ng Constitutional Law book ng ina niya kung saan nadiskube niya ang mga isinulat niya noong bata pa siya
  • Hindi niya napigilang maging emosyonal nang malaman na malaki ang naitulong ng mga mensaheng iyon sa kanyang ina
  • Ngayong siya naman ang nag-aaral ng abogasya, ang ina naman niya ang tumutulong sa kanya para kayanin ang law school

May mga bagay talaga na masusukat lamang ang halaga kapag lumipas na ang mahabang panahon.

Imahe mula kay Cairence Marie | Twitter

Katulad na lamang ng nangyari sa isang babaeng nag-aaral ng abogasya. Halos hindi niya umano maipaliwanag ang naramdaman nang matagpuan ang Constitutional Law book ng kanyang ina at makita ang mga mumunting mensahe niya sa ina na isinulat niya sa libro noong musmos pa siya.

Mga mensaheng katulad ng, “I love you, Mama” at “In God, I trust” ang bumungad sa kanya nang buksan niya ang Constitutional Law book na pag-aari ng ina noong siya naman ang nag-aaral para maging abogada.

Munting mensahe lamang ang mga iyon pero ayon sa ina, iyon daw ang mga nagsilbing lakas niya noong nag-aaral pa siya. Iyon daw ang dahilan kung bakit siya nagpatuloy.

Hindi halos kinaya ni Cairence Marie Cairo ang emosyong naramdaman nang madiskubre niya iyon kaya’t ibinahagi niya ito sa Twitter na umani ng libu-libong likes at retweets.

“So ayun, hiniram ko yung Constitutional Law book ni Mama tapos na-recognize ko yung handwriting ko nung bata pa ako,” aniya. “Sabi ni mama, ang dami ko daw nasulat na ganyan sa law books niya tapos sabi niya it was what kept her going daw. I am soft,” dagdag niya.

Imahe mula kay Cairence Marie | Twitter

Kasama rin sa thread ng kanyang tweet ang ilang pag-uusap nila ng ina sa text at chat kung saan makikita kung gaano sila kalapit sa isa’t-isa. “I am so proud of you, anak! Mama will always be here to guide you and love you all the days of my life and even beyond that,” mensahe ng ina ni Cairence.

“Go for it! Life is short, do what makes you happy! I will always be here to support you!” Ang ina naman niya ngayon ang magbibigay ng lakas sa kanya para kayanin ang law school.

Source :

Twitter