77-anyos na sorbetero, nagbibisikleta mula Biñan hanggang Santa Rosa para kumita




Image via Digi Anna Mance-Avila | Facebook
  • Hinangaan ng netizens ang isang 77-anyos na sorbertero dahil sa sipag nitong maghanapbuhay
  • Araw-araw ay nagbibisikleta si Tatay Gerardo mula Biñan hanggang Santa Rosa, Laguna at pabalik
  • Naantig ang puso ng isang mabuting samaritano kaya nagpaabot ito ng tulong at ikinuwento sa Facebook ang tungkol sa matanda

Sa kabila ng lahat ng hadlang, gagawa at gagawa pa rin talaga ng paraan ang isang determinadong tao — katulad ng isang matandang sorbetero mula sa Laguna.

Image via Digi Anna Mance-Avila | Facebook

Sa Facebook, naantig ang maraming netizens sa kuwento ng isang 77-anyos na matanda na hindi alintana ang pagod o ang layo ng biyahe simula Biñan hanggang Santa Rosa, Laguna at araw-araw pa ring nagbibisikleta para makapagtinda ng sorbetes at kumita ng perang maipantutustos niya sa mga pangangailangan.

“He is Tatay Gerardo, 77 years old. He is an ice cream vendor from Biñan, Laguna. Every day, he would travel from Biñan to Santa Rosa and back on his bicycle to sell ice cream. In one of our conversations, he told me, ‘Maganda ang may pinag-aralan para hindi matulad sa akin na ganito lang.’ What he said made me tear up,” kuwento ni Digi Anna Mance-Avila.

[Siya si Tatay Gerardo, 77 anyos. Isa siyang sorbetero mula sa  Biñan, Laguna. Araw-araw siyang nagbibisikleta simula Biñan hanggang Santa Rosa — at pabalik sa mga lugar na ito–para magbenta ng sorbetes. Sa isa sa mga pag-uusap namin, sinabi niya na, ‘Maganda ang may pinag-aralan para hindi matulad sa akin na ganito lang.’ May kumurot sa pus0 ko.]

Aniya, nais niyang maging kasing sipag at kasing tiyaga ng matanda. Kahanga-hanga rin daw ang wisdom mula rito.

Sa huli, binigyan niya ng pera si Tatay Gerardo para maaga itong matapos at makauwi kaagad. Sagot daw ng matandang sorbetero, “Salamat, Nak. Makakauwi na ako. May pambili na ako ng pagkain.”

Image capture via Facebook
Source :

Facebook