Wow! 8-year-old drummer girl ng Lucena, pinabilib ang netizens

Image capture mula sa Facebook video ni Christopher Madrid
  • Viral sa social media ang video ng 8-anyos na batang babaeng drummer sa Lucena
  • Mapapanood rito ang mahusay na paghampas ng bata sa drum kasabay ng pagkanta ng kaniyang mga kamag-aral
  • Sa murang edad nito ay marami ang bumilib na siyang dahilan para umani ng mga positibong komento ang kaniyang video
Image capture mula sa Facebook video ni Christopher Madrid

Kinabiliban sa social media ang 8-anyos na drummer girl ng Lucena dahil sa galing nito sa pagpalo ng drums at pagsabay sa beat.

Sa Facebook, ibinahagi ng music teacher na si Christopher Madrid ang video ng kaniyang 8-anyos na mag-aaral habang ito ay nagpapakitang-gilas sa pagda-drums noong August 7.

“Pakiramdam ng mas magaling pa sayo ang tinuturuan mo,” ayon sa caption nito sa in-upload na video.

Ayon sa post ni Christopher, ang batang babae na mahusay tumugtog ng drums ay si Fritzy Audrey Ramos, 8-taong gulang, na nagmula sa Lucena City sa probinsiya ng Quezon.

Mapapanod sa video ang angking galing ng batang babae sa pagpalo ng kaniyang drums, mabagal man o mabilis ang beat. Ilang set ng tugtugin rin ang ipinakita ni Fritzy na siyang sinabayan ng kanta ng kaniyang mga kamag-aral sa Sacred Heart College.

Dahil sa kaniyang husay at murang edad, marami ang humanga sa talento ni Fritzy.

I-click ang imahe para mapanood ang video

“Ang husay ng batang to!” sabi ni CPM matapos mapanood ang performance ng batang babae.

“She’s got the leadership in her too! She’s rocking her whole school, teachers, classmates and batchmates! Atta girl! There’s very bright future ahead of her!” excited na komento ni CF.

“Wow! Ang galing naman ng bata. Pasikatin na yan. Hehe! Turuan mo naman ako,” ayon naman kay TM.

Source :

Facebook