Wooden watches ng young Filipino entrepreneur, mabibili na sa una nitong physical store




Images via Narra Wooden Watches and Kelvin Yu | Facebook
  • Hinangaan ng marami ang fresh graduate na si Kelvin Yu sa paggawa ng wooden watches
  • Ang wooden watches ay tinatawag ni Kelvin na “Narra Wooden Watches”
  • Nakuha niya ang inspirasyon sa mga relo nang pumunta siya sa ibang bansa noong 2017

Malayo-layo na rin ang narating ng wooden watches ng young Filipino entrepreneur na si Kelvin Yu. At ngayon, hindi na lamang ito online mabibili dahil binuksan na kamakailan ang una nitong physical store.

Image capture via Facebook

Sa Facebook page ng Narra Wooden Watches, inanunsyo na maaari nang bumili nito sa  sa Ayala Malls Vertis North.

“Narra Wooden Watches are now available in our first physical store! Catch us in Retail Lab x Fifth Rack, 2F Ayala Malls Vertis North, near Watsons! #narrawatches #watchesfromnature,” sabi sa caption ng larawang ini-upload sa page.

“Narra watches” kung tawagin ni Kelvin ang kanyang mga creation; bagama’t nilinaw niya na hindi gawa sa narra ang mga relo na idinisenyo at ipinagbibili niya. Sadyang pinili lamang niya ang “Pambansang Puno” dahil  sa tingin niya ay talagang sumisimbolo ito sa magagandang katangian ng mga Pilipino.

“Represents durability, quality, sophistication, and uniquely Filipino spirit,” saad sa website nito.

Layunin niya na gumawa ng magaganda at fashionable na watches kahit hindi tipikal na materyales ang gamit niya.

“Our goal is to produce fashionable, stylish, high quality, wooden watches for the modern wardrobe using the best materials, to ensure our customers can stand out and look good,” pagbabahagi niya.

Nakuha raw ni Kelvin ang inspirasyon sa relo na yari sa kahoy na nakita niya noong minsang pumunta sa ibang bansa. Umuwi raw siya na dala ang napakaraming litrato, masasayang alaala, at isang espesyal na wooden watch. Aniya, hindi niya nakita ang watch bilang souvenir lang; bagkus ay nakaisip din siya ng plano para magsimulang gumawa nito.

Image via Narra Wooden Watches | Facebook