Whattagirl: Jak, kinaaliwan sa ‘twinning’ photo nila ng kapatid na si Sanya

Images via Jak Roberto | Instagram
  • Kinaaliwan ng marami ang “twinning” photos ng magkapatid na sina Jak Roberto at Sanya Lopez
  • Sa Instagram, ibinahagi ni Jak ang mga larawan nila ng nakababatang kapatid
  • As of posting, nakakuha na ito ng 87,000 favorites

“Convincing”, “Dalagang Pilipina, “ang gandang babae” — ilan lamang ang mga ito sa naging komento ng mga netizens matapos makita ang “twinning” photos ng magkapatid na sina Jak Roberto at Sanya Lopez.

Image via Jak Roberto | Instagram

Sa Instagram, ibinahagi ni Jak ang mga litrato nila ng kanyang nakababatang kapatid. Marami ang naaliw sa nasabing post dahil mukha raw talagang babae si Jak at wala raw duda na kapatid ito ni Sanya dahil magkamukha talaga sila.

“Grabe tawa ko sa train, nagulat tuloy katabi ko. Buti hindi ako nasigawan. Ganda mo rin, para kang little sister mo na si Sanya. Both beautiful kids,” komento ng IG user na si @lyfe_vancouver_canada.

“Ngayong nagdamit babae ka, nakikita ko na resemblance ninyo ni Sanya. Magkapatid nga,” wika ni @loujancruz.

“Hahahaha ang ganda mo pala kapag naging babae,” sabi naman ni @raciell_etaf27.

At ang komento ni Sanya? “Kung ano-ano na naman pinaggagagawa mo! In fairness, lamang ka sa kilay,” aniya.

Noong pa man ay marami na talagang naaaliw sa samahan at kulitan ng magkapatid na sina Jak at Sanya. Kahit madalas nag-aasaran ay hindi maitatanggi kung gaano nila pinahahalagahan ang isa’t isa. Sabi nga ni Sanya, kung may ituturing man siya na best friend, ito ay walang iba kung hindi ang kanyang kuya na kasama niya sa lahat ng pagkakataon, at hindi lamang isang mapagmahal na kapatid kung ‘di isang mapagkakatiwalaang kaibigan din.

Image via Jak Roberto | Instagram

“Sinuportahan mo ako sa lahat ng gusto ko. Alam mo lahat ng mga pagkakamali ko sa buhay. Magkasama at magkasundo tayo sa maraming bagay. Kaya kung may ituring man ako na best friend, sigurado akong ikaw talaga ‘yon, Kuya. Wala kang choice! Anuman ang mangyari, walang magbabago sa mga ‘bida-bida’ nating pinagsamahan. Love you,” pahayag ni Sanya.

Image capture via Instagram