[Video] Pato, tinulungan ang isang bata na makuha ang nahulog na tsinelas nito




Image capture via Myla Aguila's Facebook video
  • Naging instant hero ng batang nahulugan ng tsinelas ang isang pato na tumulong magbalik nito sa kanya
  • Sa Facebook, ibinahagi ni Myla Aguila ang nakatutuwang eksenang nakuhanan niya ng video
  • Nalaman daw niya na ni hindi alaga ng bata ang pato na tumulong sa kanya

Minsan, sa sandaling kailangan mo ng tulong ay magugulat ka na lang na kung sino pa ang hindi mo inakalang sasaklolo sa iyo ay siya pa ang gagawa ng malaking pabor para sa iyo.

Isang umaga, naantig, napangiti, at napasaya ng isang pato ang mga residenteng nakasaksi kung paano nito tinulungan ang isang batang nahulugan ng tsinelas.

Image capture via Myla Aguila’s Facebook video

Sa Facebook, ibinahagi ni Myla Aguila ang video na nagpapakita kung paano naging instant hero ng bata ang pato.

“Nakatawag-pansin sa akin ang bata na nasa itaas kung ng lugar saan nahulog ang kanyang tsinelas. Biglang tumakbo ang isang pato mula sa tapat ng kanyang kinaroroonan para siya ay tulungan,” saad niya sa caption ng video na in-upload niya.

Pagpapatuloy ng social media user, natuwa siya nang makita na pinipilit maabot ng pato ang tsinelas para ibalik ito sa bata. Dahil dito, naisip niyang kuhanan ng video kung paano nagpupursigi ang matulunging pato.

“Natuwa talaga ako. Dali-dali kong kinunan ng video. Akala ko aso lang na turuan ang gumagawa ng gano’n!” aniya.

Napag-alaman din daw ni Aguila na hindi naman alaga ng bata ang pato na nagmalasakit na tulungan siya.

“Tinanong ko pa sa mga tao kung alaga ba ng bata’yong pato, hindi raw!” pagbabahagi ng Facebook user na nakasaksi.

Marami ang natuwa sa nasabing video. Nakatutuwa raw isipin kung paano nagkusa at nakagawa ng paraan ang pato para lamang makatulong sa nangangailangan sa kanya. Sa simpleng paraan daw nito ay naipakita niya na hindi lamang tao ang maaaaring asahan sa oras ng pangangailangan. Minsan, maging ang hayop ay malaki rin ang nagagawa para sa tao.

I-click ang imahe para mapanood ang video.
Source :

Facebook