[Video] Ba’t ang kaunti lang ng laman?: ‘Unboxing ng kwek-kwek’, kinaaliwan




Image capture via Facebook
  • Ikinadismaya at ginawang katatawanan ng mga batang estudyante ang mga nabili nilang kwek-kwek
  • Nagmistulang vlogger ang mga bata at tinawag nila ang video na “unboxing ng kwek-kwek”
  • Hindi kasi buo at halos kalahati lamang ang itlog sa loob ng mga kwek-kwek

Idinaan na lamang ng ilang estudyante sa pagpapatawa ang pagkadismaya nila sa nabiling kwek-kwek. Walang nag-akalang papatok pala sa social media ang kulitan nila.

Image capture via Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ng user na si Jeraldyn Navarro Muyargas ang video ng kulitan ng magkakaeskwelang bumili ng kwek-kwek ngunit sa huli ay nadismaya lamang dahil para bang nalugi sila sa dapat sana ay masarap na merienda.

“What’s in your kwek-kwek?” saad ni Jeraldyn sa caption ng video kung saan nagmistulang vlogger ang mga estudyante.

Tinawag nila ang video na “unboxing ng kwek-kwek”; kung saan ipinakita nila na hindi buo at halos kalahati lamang ang itlog sa loob ng mga kwek-kwek na nabili nila. Humingi pa ng hustisya para sa kwek-kwek niya ang isa sa kanila.

Maraming social media users ang naaliw, natawa, at may mga naka-relate pa sa sentimiyento ng mga bata. As of posting, nakakuha na ang video ng mahigit 15,000 reactions at lampas 19,000 shares. Libo-libo na rin ang nag-iwan ng kumento.

“Ang ku-cute ng mga batang ‘to! Disappointing nga naman  kwek-kwek nila!” saad ng Facebook user na si Laila Tahir.

“‘Yong nakain ko minsan, halos may shell pa. Asensado na ‘yang sa ‘yo,” kumento ni Debbie Cruz Rodriguez.

Sabi naman ni Johnylee Apla-on Ferrer, “‘Yong ‘unboxing’ talaga ang nagdala!”

Samantala, hula ng ilan ay tigpipisong kwek-kwek ang nabili ng mga bata kaya maliliit at hindi buo ang laman nito. Sabi pa ng isa, kung ‘yong ibinebenta sa halagang tatlong piso ang binili nila, tiyak na buo ang itlog na nasa loob.

I-click ang larawan para mapanood ang video.
Source :

Facebook