Tag-alog pencils ng NCCA, mga lapis na maaaring itanim




Imahe mula NCCA via Facebook page
  • Lumikha ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ng sariling bersyon nila ng lapis
  • Ang lapis ay tinawag nilang “Tag-alog” na makukuha o mabibili lamang sa mga workshops at events ng NCCA
  • Bukod sa puwede itong ipangsulat, ang mga lapis na “Tag-alog” ay itinuturing din na “plantable seed pencils” na ang ibig sabihin ay puwedeng itanim at maging halaman
Imahe mula Unsplash

Simula pagkabata, lapis na ang ating ginagamit upang makapag-aral at ensayo kung paano magsulat. Marami ang klase ng mga lapis dito sa Pilipinas ngunit ang pinakakilala ay ang Mongol pencils.

Ibang-iba ang mga lapis kumpara sa ballpen. Bukod sa gawa sa kahoy ang halos lahat ng lapis, ito rin ay may pambura sa dulong bahagi nito. Kaya karamihan sa mga gumagamit ng lapis ay ang mga bata upang mas madali nilang mabura kapang may mali silang naisulat.

Samantalang ang ballpen naman ay may tinta at hindi maaaring magkamali sa pagsulat dahil wala itong pambura. Karamihang mga nasa edad na at mga propesyunal ang gumagamit ng ballpen.

Itinuturing nang pangunahing gamit ang lapis sa pagsusulat, ngunit ngayon, nakaisip ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ng ibang paggagamitan ng lapis hindi lamang bilang panulat.

Imahe mula NCCA via Facebook page

Ang mga lapis na “Tag-alog” ay nilikha ng NCCA at ng kanilang mga katuwang sa pagsulong ng pangangalaga sa ating kalikasan.

Ang mga tag-alog na lapis ay hindi lang ginagamit na pangsulat kundi itinuturing din ang mga ito na “plantable seed pencils.” Ang mga ito ay maaaring itanim at maging halaman depende sa kulay ng lapis. Sa kanilang Facebook page, ibinahagi ng NCCA Tag-alog ang paraan kung paano itanim ang kanilang mga lapis:

1. Kapag maiksi na ang lapis, itanim ito sa isang maliit na paso.

2. Itusok ang lapis sa lupa na naka-anggulo nang bahagya para hindi maharangan ng lapis ang pagtubo ng halaman.

Imahe mula NCCA via Facebook page

3. Huwag kalimutang diligan ito ng kaunting tubig araw-araw para tuluyang tumubo ang mga dahon pagkalipas ng 1-2 linggo.

Nakasaad rin sa kulay ng tag-alog pencils kung anong klaseng halaman ito. Ang asul ay basil, itim ay chili, pula ay tomato, at ang berde ay mint.

Ayon sa NCCA, maaari lamang makakuha ng mga tag-alog pencils sa kanilang workshops at events o di kaya naman sa sa website na paraluman.ph.