Snake massage sa Kalibo, dinarayo




Imahe mula sa Facebook page ng Kalibo Ostrich farm
  • Kakaibang massage na para lang sa matatapang, matatagpuan sa Kalibo, Aklan
  • Relaxation na inaasam, baka sa snake massage mararanasan
  • Dahil pet ng may-ari ang dalawang python, kampante siya na wala dapat ikatakot at ikabahala ang mga turista at massage customers

Karamihan sa mga manggagawang Pilipino ay araw-araw na iniinda ang pagod sa trabaho. Ang karamihan idinadaan na lamang ang stress sa pagkain, iyong iba naman ay sa paglalakbay, samantalang ang ilan ay nais mag-relax gaya ng pagpapa-masahe.

Iclick ang imahe para sa video ng GMA NEWS | YouTube channel

Isa ka ba sa mga mahilig magpamasahe? Kung hindi tao ang magmamasahe sa’ yo, gugustuhin mo pa rin ba para sa inaasam na relaxing experience?

Isang kakaiba at makabagong paraan ng massage ang pinag-uusapan ngayon sa Ostrich Farm na matatagpuan sa Kalibo, Aklan dahil ang magmamasahe sa iyo ay dalawang ahas.

Ang naturang farm ay pagmamay-ari ni Ramon Dio na nag-aalaga ng isang Burmese Python at isang Albino Burmese Python.

Ayon sa kanya, nakita niya ang kakaibang ativity na ito sa mga sikat na tourist spots sa Bohol kaya na-inspire siyang gawin rin ito sa kanyang farm. Sa kasalukuyan, donasyon pa lamang ang hinihingi upang masubukan ang snake massage bilang bago pa lamang ang atraksiyon na ito sa kanilang lugar sa Aklan at upang makahikayat pa ng ibang tao.

Ayon kay Dio, tiyak na pag sinubukan mo ang kanilang snake massage ay mararanasan mo ang nakare-relax at may halong kiliti na masahe sa buong katawan.

Hihiga o uupo ka lamang sa isang kubo kung saan isinasagawa ang pagmamasahe at ang mga ahas na ang bahala para sa relaxation na hinahanap mo.

Imahe mula sa Facebook page ng Kalibo Ostrich farm

Bukod rito sa Kalibo, Aklan, mayroon na ring mga naunang snake massage na matatagpuan naman sa Cebu City Zoo at sa Davao Crocodile Park.

Ano pang hinihintay mo? Kung isa kang adventurer o thrill-seeker, siguradong mae-enjoy mo ang snake massage na ito, naka-relax ka pa!

Imahe mula sa Facebook page ng Kalibo Ostrich farm