Senator ‘Bato’ Dela Rosa, inaming tumanggap ng regalo mula sa ibang tao noong siya ay miyembro pa lamang ng PNP




Mga larawan mula sa Google Image Public Domain
  • Hindi na bago kay Senator Ronal “Bato” Dela Rosa ang makatanggap ng regalo tuwing Pasko kahit nasa PNP pa lamang siya
  • Paraan umano ito ng taong bayan para magbigay ng taos-pusong pasasalamat sa serbisyo ng mga pulis
  • Ayon pa sa kaniya, hindi ito uri ng panunuhol dahil wala namang hinihinging kapalit ang mga taong nagbigay sa kaniya ng regalo
Image capture mula sa Youtube video ng ANC

Aminado ang bagong halal na si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na nakatanggap siya ng mga regalo mula sa publiko noong nagta-trabaho pa lamang siya bilang miyembro ng kapulisan. Ayon sa kaniya, mas madalas itong mangyari sa kasagsagan ng Christmas season.

Sa isang phone interview ng Senador sa ANC, sinabi nito na hindi niya tinuring bilang uri ng panunuhol ang pagtanggap niya ng regalo dahil wala namang hinihinging kapalit ang mga nagbibigay sa kaniya.

“Inaamin ko, kapag Christmas ang dami kong natatanggap na Lacoste na T-shirt. Paano ko mapigilan ‘yan?” ayon sa Senador.

“Hindi ko mapigilan ang mga tao na maghatid ng kuwan sa opisina, iyung mga prutas, queso de bola, ham, meron diyan dumadating sa opisina.”

Dagdag pa ni Dela Rosa, bukal sa puso ng mga tao ang pagbibigay ng regalo sa kaniya at simbolo rin umano ng taos-pusong pasasalamat.

“It does not constitute bribery because you were not influenced to do something in his favor. The gift was given to you in the form of goodwill, through gratitude or generosity,” ani Dela Rosa.

Image capture mula sa Youtube video ng ANC

Nanindigan naman ito na masama ang pagtanggap ng regalo mula sa mga taong may kuwestiyunableng karakter at mayroong ibang motibo.

“Iba naman ang tatanggap ka ng regalo galing sa drug lord or gambling lord. Hindi maganda iyon. Pero kung tatanggap ka ng regalo mula sa isang matinong tao na masaya dahil sa ginagawa mo, anong masama doon?” ayon kay Dela Rosa.

Mapakikinggan ang interview ni Dela Rosa sa ANC sa baba:

Source :

ABS-CBN, Youtube