Reunion movie nina Janno, Andrew at Dennis, ibabalik ang ‘old school’ comedy




Image by Cha Echaluce
  • Magsasama-sama muli sa isang pelikula sina Janno Gibbs, Andrew E, at Dennis Padilla 
  • Ipalalabas na ang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” sa darating na September 4
  • Ibabalik daw ng reunion movie ng “tatlong gamol” ang “old school” comedy na minahal ng marami

Ibabalik daw ng reunion movie nina Janno Gibbs, Andrew E, at Dennis Padilla  ang “old school” comedy na minahal ng marami noong panahon nila.

Image by Cha Echaluce

Sa media conference ng “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo”, tiniyak ng mga bida na ibabalik nila ang klase ng comedy film na ngayon ay hanggang pang-thr0wback na lang sa social media pages; ang comedy na marami ang nakaka-miss.

“Sabi ni Boss Vic (Del Rosario ng VIVA), ibabalik lang natin ‘yong dati niyong ginagawa. Retro, thr0wback, dahil, ‘di ba, kahit nga sa Facebook, makita ninyo ‘yong Titos and Titas of Manila, grabe,” wika ng isa sa mga bida na si Dennis.

“Sabi ni Boss Vic, ibabalik natin ‘yong old comedy na ginagawa ninyo noon; ‘yong mga ginagawa n’yo nang solo solo kayo at saka ‘yong ginawa n’yo nang magkakasama kayo,” pagbabahagi pa ng aktor. Matatandaang nagkasama na sila noon nina Janno at Andrew sa hit 1997 comedy film na “Si Mokong, si Astig, at si Gamol”; na talagang tumatak sa mga tao.

Perfect din daw na direktor para rito ang isa pang bihasa sa mga ganitong klase ng comedy film na si Al Tantay, kung kaya mismong si Boss Vic ang pumili sa kanya para pamunuan ang upcoming film ng tatlong gamol.

“Sabi niya, ang magdidirek din ng pelikula e veteran sa comedy na ganitong klase. Kaya napunta kay Al Tantay,” ani Dennis.

Samantala, isa pa sa mga kukumpleto sa pagka-throwback ng pelikulang ito ay ang main villain na si late actor Eddie Garcia. Ito ang huling pelikula na ginawa ng beteranong aktor bago siya yumao noong Hunyo. Kuwento ni Janno, may isang eksena pang hindi nagawa si Garcia kung kaya ginaya niya ang boses nito at nilagyan na lamang ng treatment.

Image by Cha Echaluce

Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo

Ang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” ay kuwento ng magkakaibigang sina Andy (Andrew E.), Johnny (Janno), at Dondon (Dennis). Natuklasan nina Andy at Dondon na si Johnny pala ay anak ng yuma0ng milyonaryong si Don Robert Edrinal at ito ang tagapagmana ng lahat ng mga naiwan nitong negosyo. Ngunit dahil tamad si Johnny, ipinakilala niya si Andy bilang Johnny para matakasan ang responsibilidad ng pagpapatakbo sa negosyo.

Sa kabila ng karangyaan, hindi magiging madali ang lahat para sa tatlo dahil kailangan nilang harapin ang land developer na si Mr. Russel (Eddie) na gustong angkinin ang hacienda. Paano kaya nila haharapin ito?

Abangan ang pagpapalabas ng pelikula sa mga sinehan sa darating na Setyembre 4.