PWD na hindi agad pinapasok sa BIR dahil naka-shorts, nakapag-asikaso na ng papeles sa loob ng ahensiya




Imahe mula kay Nancy Torrelino Boroc | Facebook
  • Viral sa social media ang post ng isang babaeng ipinanganak na walang mga binti tungkol sa naging karanasan niya sa BIR-Calbayog
  • Pinagbawalan umano ng guwardiya si Nancy Torrelino Boroc  na makapasok sa tanggapan ng BIR dahil siya ay naka-shorts lang
  • Marami naman ang nagpahayag ng suporta kay Nancy kaya isang araw matapos ang insidente ay nakapag-asikaso na rin siya ng mga papeles sa nasabing ahensiya
Imahe mula kay Nancy Torrelino Boroc | Facebook

Marami ang nagpaabot ng suporta kay Nancy Torrelino Boroc matapos nitong magpost tungkol sa naging karanasan niya sa pag-aasikaso ng mga dokumento sa BIR-Calbayog.

Sa naunang Facebook post ni Nancy noong August 6, ibinahagi niya ang naging pag-uusap nila ng guwardiya sa nasabing ahensiya.

“We went to BIR-Calbayog to process my sister’s request. I have an SPA for my sister. And we were not allowed to go inside,” sabi ng dalaga sa post.

Kuwento ni Nancy, hindi siya pinapasok ng guwardiya sa loob ng ahensiya at pinilit siyang magsuout ng long pants kahit wala siyang mga binti at paa. Batay umano ito sa kautusan ng ahensiya na ipinatutupad lamang ng guwardiya.

Dahil na rin sa nangyari, minabuti na lamang ni Nancy na umuwi.

Sa hiwalay na post, kinumpirma naman ni Nancy na naging maayos ang kaniyang pagbabalik sa opisina ng BIR. Ayon sa kaniya, pinapasok na siya ng guwardiya at inasikaso rin siya agad ng mga tauhan ng BIR.

Imahe mula kay Nancy Torrelino Boroc | Facebook

“BIR personnel inside were polite and inasikaso po kami agad and thumbs up po sa kanila. But I wonder, why other people who were able to go inside were in their slippers, short skirts and shorts,” ani Nancy.

Binigyang-diin rin ni Nancy na gusto niya lamang magpalaganap ng kamalayan tungkol sa mga issue na kinakaharap ng mga PWDs

“My post was to raise awareness and nothing else. Different issues will be made like Im doing this for this and that. Everyone is entitled to their own opinion. I respect your comments,” ayon sa kaniya. “Still I stand firm and determined to let people know about real life situations and circumstances that PWD are experiencing.”

Kamakailan lamang ay muling ibinahagi ni Nancy na humingi na ng paumanhin ang OIC ng BIR sa panayam kay idol Raffy Tulfo.

Imahe mula kay Nancy Torrelino Boroc | Facebook