Proud anak ng magsasaka sa Capiz, nakakuha ng full scholarship sa US

Imahe mula kay Aldrean Paul Alogon | Facebook
  • Mapalad na nakakuha ng full scholarship sa isa sa mga prestihiyosong paaralan sa Amerika ang anak ng isang magsasaka sa Capiz na si Aldrean Paul Elvira Alogon
  • $300,000 o humigit-kumulang P15 milyong piso ang kailangan para makapasok sa Wesleyan University ngunit hindi na ito kailangan bayarang ni Aldrean para makapag-aral sa unibersidad
  • Proud na proud ito sa kaniyang pinagmulan na siyang naging dahilan para pagbutihin niya lalo ang pag-aaral
Imahe mula kay Aldrean Paul Alogon | Facebook

Pinatunayan ng isang anak ng magsasaka na hindi hadlang ang kaniyang pinagmulan sa kung ano ang maaari niyang marating at maabot sa buhay.

Napabilang si Aldrean Paul Elvira Alogon sa 11 na mag-aaral na nakakuha ng full tuition scholarship sa Wesleyan University sa Amerika. Hindi basta-basta ang paaralan na ito dahil umaabot sa $300,000 o halos P15 milyong piso ang kinakailangan para makapasok rito.

“Hindi talaga ako makapaniwala kasi ang daming kumuha noon. The fact na ako ang nakakuha, napaka-heartwarming at napaka-unbelievable. Parang sasabog ‘yung heart ko kasi hindi ako makapaniwala,” ani Aldrean sa interview sa GMA News.

Dagdag pa niya, “Thankful po ako, very joyful kasi it was all-expenses paid. Wala nang babayaran ‘yung family ko. World-class education na nga tapos libre pa, win-win talaga.”

Nagmula sa Sigma, Capiz ang pamilya ni Aldrean kung saan nagsasaka ang kaniyang ama. Nagtapos ito ng senior high school sa Philippine Science High School sa Western Visayas at naging Vice President ng student council.

Imahe mula kay Aldrean Paul Alogon | Facebook

Proud ito sa kaniyang pinagmulan at hindi ikinahiya ang kaniyang pamilya. Sa katunayan, ginamit ito ni Aldrean bilang motibasyon sa pag-aaral. Sumasali ito sa mga debate at dalawang beses na rin siyang naging representative ng Pilipinas sa International Olympiad on Astronomy and Astrophysics.

“I’m there to learn and I’m there to acquire knowledge to come back here. I’m thinking of becoming a civic engagement person or a person in the sciences na ang focus talaga is the grassroots,” sagot ni Aldrean nang tanungin siya ng GMA tungkol sa kaniyang plano sa pag-aaral sa Amerika.

Source :

GMA, Inquirer