#PepeEnPilar: Kambal na anak nina Mar at Korina, nabinyagan na

Imahe mula sa Instagram account ni Korina Sanchez-Roxas
  • Proud mother si Korina Sanchez nang i-post niya sa Instagram ang ilan sa mga larawan nang binyagan sina Pepe at Pilar
  • Very adorable ang halos anim na buwang kambal nina Mar Roxas at Korina Sanchez
  • Mga younger generation mula sa kani-kanilang pamilya ang kinuhang mga ninong at ninang

Nabinyagan na ang dalawang anghel sa buhay ng mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez na sina Pepe at Pilar.

Nitong umaga ng Agosto 1 ay ipinaskil ni Korina sa kaniyang Instagram account ang mga larawang kuha sa simbahan. Very adorable ang kambal na itinuturing ng mag-asawa bilang “two new angels on earth.”

Imahe mula sa Instagram account ni Korina Sanchez-Roxas

“Good morning pipol! Sa wakas! The twins’ baptism! Took a while although they were blessed three times prior. Tuwang tuwa kami. But mas tuwang-tuwa sina Pepe and Pilar. They loved being outdoors. Himala. No crying at all. Kahit mainit sa simbahan,” pambungad ng batikang journalist.

Proud din niyang sinabi na hindi umiyak ang kambal kahit binuhusan na ang mga ito ng holy water sa kanilang ulo. Gusto rin umano ng kambal ang presence ng mga tao sa kanilang paligid.

Pepe Ramon Gerardo Manuel Denzel ang buong pangalan ni Pepe. Pilar Judith Celia Esther Korina naman ang kay Pilar. Ang mga pangalan ng kambal ay pinagsama-samang ngalan ng pamilya ng mag-asawa.

Isang tahimik at payak na pagdiriwang lamang din ang idinaos ng mag-asawang Roxas. Ang kanilang mga immediate family lamang din ang mga bisita.

Gustuhin man nilang mas marami sanang mga ninong at ninang ang kanilang kambal ay mas pinili pa rin nila na ang mga younger generation mula sa kani-kanilang angkan ang maging godparents nina Pepe at Pilar.

“So here are most of the nephews and nieces from both sides. Including the youngest ones Meila and Miguel. Absent si Jay who is working in Japan, and Paolo who is working in California,” paliwanag ni Korina.

Imahe mula sa Instagram account ni Korina Sanchez-Roxas

Ang kambal ay ipinanganak noong Pebrero 12, 2019 sa Pittsburgh, Pennsylvania kung saan doon din sila unang na-blessed noong Marso 20.

Matatandaan na noong Pebrero 21 ay isinapubliko ng mag-asawang Roxas ang tungkol sa kanilang kambal na anak.