Payo ng netizen sa mga kapwa online users: “Huwag masyadong magbabad sa social media”




Imahe mula sa Facebook account ni Bethel Anne Dizon Nacpil
  • Pinayuhan ng isang babae ang kanyang mga kapwa netizen na huwag masyadong ilaan ang oras sa pagtambay sa social media
  • Tinawag niya ang kanyang sarili at iba pang mga taong halos hindi na maalis sa kamay ang mga cellphones na  “cyber zombie
  • Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizens

Isang netizen ang nagpayo sa mga kapwa niya netizens na huwag masyadong hawakan maghapon ang cellphone at paikutin ang buhay sa social media.

Ayon sa Facebook post ni  “Bethel Anne Dizon Nacpil”, sa halip daw na nag–aayos ng gamit, nagbabasa ng aklat, nagluluto, o nakikihalubilo sa ibang tao, marami sa mga tao ngayon ay nakararamdam ng katamaran.  Laging “mamaya na lang” at madalas, mas hawak pa ang mga smartphones at halos hindi na namamalayang maghapon nang nakababad sa social media, internet, o online games.

Huwag na raw magtaka kung bakit minsan, parang may mali, at may pakiramdam na may iba sa iyong buhay lalo pa’t kung ganito ang araw–araw mong routine. Dumarating daw sa puntong nagiging “cyber z0mbie” ang tao, o umiikot na lamang ang mundo sa cellphone, kahit na may kasama naman na maaaring kausapin.

Kaya paalala ng netizen: “Life is too short to spend your whole day watching other people’s daily lives on ‘My Day’ or reading other people’s rants on your news feed.”

Imahe mula sa Facebook account ni Bethel Anne Dizon Nacpil

Dagdag pa niya: “Technology is meant to make our life easier, not to make you a robot glued to your phone and for every notification, you grab your phone and see who chatted you, who commented on your post, or who shared your post. I’m not against social media. I actually love social media because I can use this as a tool to inspire people, to inspire you. But please, limit your usage of it. Live your real life.”

Kapag pakiramdam mo raw ay nasasayang na ang oras mo, “put your phone down”.

“I pray, that you too, will wake up soon. Stop being a cyber z0mbie. You have the power in you to reach whatever aspiration you have. DON’T BE DISTRACTED BY YOUR PHONE. Have a nice day!”

Imahe mula sa Facebook account ni Bethel Anne Dizon Nacpil

Nagbigay naman dito ng reaksyon ang mga netizens at marami ang sumasang-ayon na hindi dapat gawing unli ang paggamit ng gadgets.

“I love it! Very well said! Thanks for sharing your thoughts. I agree.”

Source :

Facebook