Panoorin: Kuwelang interview ni Robin Domingo sa internet sensation na si ‘You do note’ girl Majo Lingat

Image capture mula Youtube video ng Myx Philippines
  • Game na game na nakipagkulitan ang former PBB housemate na si Robi Domingo kay internet sensation “You do note” girl sa isang interview para sa MYX
  • Marami sa mga katanungan ni Robi ang kuwelang sinagot ni Majo Lingat o mas kilala bilang si “You do note” girl na sumikat dahil sa kaniyang nakatutuwang panggagaya sa ilang eksena sa Kadenang Ginto
  • Ikinuwento rin ni Majo kung paano niya nagawa ang video pati na rin ang ilan sa kaniyang mga naging karanasan matapos nitong sumikat sa internet
Image capture mula Youtube video ng Myx Philippines

Tuloy-tuloy na nga ang pagsikat ni Majo Lingat o mas kilala ng mga tao bilang si “You do note” girl. Nakilala ito matapos ang kaniyang viiral video na nagpapakita ng kaniyang panggagaya sa ilang mga eksena ng sikat na programa ng ABS-CBN na Kadenang Ginto.

Marami ang naaliw sa gawa-gawang dialogue ng siyam na taong-gulang na si Majo at talaga namang tumatak ang mga ito sa isipan ng mga tao.

Sa kaniyang interview sa MYX, ipinamalas muli ni “You do note” girl ang kaniyang pagkabibo sa pamamagitan ng mga kuwela nitong sagot sa mga katunungan ng former PBB housemate turned host na si Robi Domingo.

Tumagal ang video na in-upload ng MYX sa Youtube ng halos siyam na minuto. Dito, ikinuwento ni Majo ang mga kaganapan sa likod ng kaniyang viral video at kaniyang karanasan matapos itong sumikat.

“Hindi ko po minemorize. Hindi ko po talaga. Inisip ko lang talaga,” ani Majo nang tanungin siya ni Robi kung paano niya nagawa ang video. Ayon pa sa kaniya, hindi niya inakala na ia-upload ng kanilang kapitbahay ang video na naging simula ng kaniyang pagiging internet sensation.

Nagkaroon din umano siya ng pagkakataon na makita ang ilang mga sikat na celebrity. Isa sa kaniyang mga nabanggit ay si Coach Bamboo ng The Voice Kids na tinawag niyang Coach “Boombayah.”

Mapapanood ang kaniyang kuwelang interview sa baba: