Pagtatagpo nina Camila at Emma, pinag-usapan; TKB keywords sinakop ang Twitter Trending list




Image capture via YouTube/Twitter
  • Pinag-usapan nang husto ang pagtatagpo nina Camila at Emma sa The Killer Bride (TKB)
  • Ginulat ang lahat sa rebelasyon sa serye na hindi pala totoong yumao si Camila
  • Sinakop ng mga hashtag at keyword na may kinalaman sa serye ang Trending list sa Twitter

Pinag-usapan nang husto ang pagtatagpo nina Camila at Emma sa The Killer Bride (TKB) nitong Miyerkules, Agosto 28.

Image capture via YouTube

Sa social media, umani ng napakaraming kumento mula sa viewers ang rebelasyon sa nasabing episode; kung saan nalaman ng mga tagasubaybay ng istorya na ang kinatatakutang multo na si Camila, ang karakter na ginagampanan ni Revenge Drama Queen Maja Salvador, ay hindi pala totoong yumao at naghahanda lamang sa panahong maniningil na ito.

Bukod pa sa rebelasyong ito, nalaman din ng mga manonood na kasabwat pala ni Camila si Emma, ang karakter na ginagampanan ni Janella Salvador, at hindi totoong minumulto at sinasaniban ito ng multo ni Camila.

Two Salvadors are better than one, sabi ng mga netizens. Naniwala raw talaga sila at natakot sa mga eksena sa inakala nilang h0rr0r television series. Dahil dito, naghari sa listahan ng trending topic sa Twitter ang official hashtag at keywords na may kinalaman sa show: #TheKillerBrideFaceOFear sa #1 at Camila sa #2, Maja at Emma sa ibaba ng listahan, at maging ang Ivy Aguas na pangalan ng karakter na ginampanan ni Maja sa revenge drama series na “Wildflower”.

Sa mga susunod na episode, magsisimula na ang pagtupad sa mga plano ng Camila-Emma tandem. Katulad ng sinabi ni Maja, “The stage is set and the real work begins.” At hindi na raw makapaghintay ang social media users sa ganap na pagbabalik ng nag-iisang “Ivy Aguas”– na ngayon ay Camila Dela Torre na – -sa telebisyon.

Image capture via ABS-CBN’s YouTube video

Narito ang video ng trending TKB episode nitong Agosto 28:

Source :

YouTube