Paglalagay ng “all gender” sign sa mga palikuran sa Quezon City Hall, umani ng kritisismo




Imahe mula sa Facebook page ng Quezon City Public Affairs Department
  • Makikita ang mga nakadikit na “all gender” sign sa mga palikuran ng Quezon City Hall
  • Pagtalima ito sa Quezon City Gender-Fair Ordinance
  • Umani ito ng batik0s mula sa mga netizens, lalo na sa mga residente ng Quezon City

Umani ng batikos ng mga netizens ang paglalagay ng “all gender” sign sa mga palikuran ng Quezon City Hall noong Agosto 24, 2019.

Makikita ang mga larawan ng pagdidikit ng mga “all gender” sign sa cubicle at pinto ng mga palikuran sa opisyal na Facebook page ng Quezon City Public Affairs Department. Ito ay pagtalima umano sa City Ordinance 2357-2014, o mas kilala bilang Quezon City Gender-Fair Ordinance.

Nakasaad sa isa sa mga seksyon ng naturang ordinansa na kailangang maglaan ang mga ahensya ng pamahalaan, mga pribadong tanggapan, gayundin ang iba’t ibang mga establisimyento ng mga all-gender toilet rooms.

“The Quezon City government has allocated gender-neutral restrooms within the City Hall compound in compliance with City Ordinance 2357-2014, also known as the Quezon City Gender-Fair Ordinance. Section 5, affirmative acts (D) of QC Gender-Fair Ordinance requires government agencies, private offices, and commercial and industrial establishments to designate all-gender toilet rooms,” ayon sa mahabang caption ng Facebook post.

Imahe mula sa Facebook page ng Quezon City Public Affairs Department

Malinaw na sinusuportahan ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE) na mainit na pinagtatalunan ngayon kung ipapasa bilang batas.

“The Quezon City Gender-Fair Ordinance provides for a comprehensive anti-discrimination policy based on Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE).”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens, na karamihan ay puro pagbatik0s.

“I am not in favor of this. This is just like riding in bandwagon. More important issues must be prioritized.”

“How is it equality for women to force women to allow biological men into their comfort rooms?”

“STRAIGHT MEN AND WOMEN HAVE RIGHTS TOO. We have the right to demand for an exclusive access of our own comfort rooms so as not to compromise our privacy and security, We demand separate comfort rooms for LGBT. People may respect beliefs but not everyone will support it.”

Matatandaang naging mainit ang usapin hinggil sa paggamit ng palikuran ng mga miyembro ng LGBTQ community, partikular sa mga transgender woman, dahil sa insidente ng pagbabawal kay Gretchen Diez ng isang janitress na gumamit ng women’s comfort room sa isang mall sa Cubao, na nagbunsod upang posasan at hulihin ito dahil umano sa pagkuha ng video. Kinondena naman ito ng kasalukuyang pinuno ng lungsod na si Joy Belmonte.

Public Domain Image

Samantala, wala pang reaksyon ang lokal na pamahalaan ng Quezon City hinggil sa mga natanggap na kritisismo.

Source :

Facebook