Netizen, ibinahagi ang nasaksihang ‘pambabara’ ng isang lalaki sa kapwa pasahero na nagpapaabot ng bayad




Imahe mula sa Facebook account ni Dave Argel Robles/Public Domain Image
  • Ibinahagi ng netizen ang kanyang nasaksihang ‘pambabara’ ng isang lalaki sa isang babaeng kapwa nila pasahero sa loob ng jeepney
  • Nagpaabot ng bayad ang babae sa lalaki na nasa dulo
  • Pinagsabihan siya ng lalaki na kumilos at lumapit siya para makuha ang bayad

Pangkaraniwang sasakyang pantransportasyon ang jeepney na bahagi na ng kulturang Pilipino. Wala yatang karaniwang mamamayan ng Pilipinas ang hindi pa nakasasakay rito (maliban na lamang kung talagang “rich kid” at de–kotse).

Kaya naman, isang “unwritten rule” at sentido kumon ang pag–aabot ng bayad ng kapwa pasahero patungo sa driver. Subalit paano kung malayo ang agwat ng upuan ng nagpapasuyo o nagpapaabot ng pamasahe sa pinakikisuyuang mag–abot nito na kapwa–pasahero?

Pinag–usapan sa social media ang ibinahaging karanasan ng isang pasahero na nagngangalang “Dave Argel Robles” hinggil sa isang nakasakayang kapwa–pasahero sa loob ng jeepney.

Batay sa kanyang Facebook post, nasa dulo ng jeepney ang babaeng nagpapaabot ng bayad habang ang pinakikisuyuan niyang mag–abot nito ay nasa bandang likuran ng driver. Hindi man lamang daw lumapit ang babae; sa halip, itinaas lamang nito ang bisig at sinabing “Bayad po…”.

“Eksena, si Ate Girl, magbabayad. Imagine yung distance di ba? Dulo–dulo sila. She just extended her arm and said, “Bayad po”. Magkakapaa ba yang barya mo at lalapit sa driver? Ganda ka???? Si Kuya naman, mabilis ang sagot at pasigaw, ‘ABA LUMAPIT KA!’ Pinigilan ko tawa ko swear. Hahaha.”

Dagdag pa niya: “PS. Next time Ate mag–ready ka ng papel na pera. Gawin mong eroplano tapos paliparin mo papunta sa driver. Okies???? Isa ka sa mga dahilan kung bakit di naasenso Pilipinas.”

Imahe mula sa Facebook account ni Dave Argel Robles

Nagdulot naman ito ng katatawanan sa mga netizens. Marami sa kanila ang naranasan na rin ito. Hati naman ang saloobin dito ng mga netizens.

“It happened to me before. Magkabilang–dulo kami tapos kami lang pasahero. Inabot n’ya pamasahe n’ya pero ako lumapit. Nainis din ako pero dahil mabait tayong mga Pilipino, di ako nagreklamo. Ang ginawa ko na lang is, yung i–aabot ko na yung sukli, siya naman yung pinalapit ko.”

“Sana lang kasi sa lahat din naman na nagpapaabot ng bayad, marunong naman po sanang makisuyo ng bayad at SANA MARUNONG MAGPASALAMAT PO kapag naiabot na. Kasi halos karamihan walang pasintabi basta na lang sasabihin BAYAD!!!”

“Di kasi pakisuyo yung ganyan, utos yan kasi may choice naman lumapit yung pasahero, tamad lang talaga. PWD, Senior, at Buntis lang pasiksikin sa bungad, lahat ng bagong sakay, umupo sa dulo, mas malapit sa driver mas better. At paki-iwasan din isiksik sarili sa bungad, yung konti na lang space pauusugin pa pasahero para lang maging malapit sa babaan.”

Wala namang masama sa pakikiabot ng bayad sa pamasahe, subalit gawin pa rin ito nang wasto at may paggalang. Gumamit ng mga pahayag na “Makikisuyo po” at “Salamat po” upang hindi mainis ang mga kapwa–pasahero na nag–abot ng ating bayad sa Mamang Tsuper.

Imahe mula sa Facebook account ni Dave Argel Robles

Ikaw, naranasan mo na rin ba ito?

Source :

Facebook