Nakatikim ka na ba ng gatas ng kalabaw?

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila/Public Domain Image
  • Pinag–usapan sa social media ang larawan ng gatas ng kalabaw
  • Masustansya at mayaman sa protina ang gatas ng kalabaw, na ginagamit sa paggawa ng iba pang mga produkto tulad ng kesong puti at pastilyas
  • Marami sa mga netizen ang nagtatanong kung may mabibili pa ba nito sa kasalukuyan

Sa kasalukuyan, patok na patok na inumin sa mga Pilipino ang “milk tea”. Kahit saan yatang mall ay may milk tea outlets na talaga namang pinipilahan.

Subalit noong araw, hindi pa milk tea ang sikat at tinatangkilik ng mga Pilipino. Nariyan ang natural na gatas ng kalabaw na inilalako pa noong araw.

Isang netizen na nagngangalang “Rene Seno” ang nagbahagi ng nostalgic at throwback photo ng mga bote ng gatas ng kalabaw na itinitinda noong araw, na makikita sa Facebook page na “Memories of Old Manila”.

Tila malungkot ang caption ng netizen sa naturang larawan.

“WALA NA AKONG NAKIKITA NA NAGBEBENTA NITO NGAYON.”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizen.

“Meron po rito sa Grotto sa Bulacan, tuwing Sunday may nagtitinda.”

“Sa amin po sa Pampanga, meron pa po pero di na po kagaya ng dati na naglipana ang sariwang gatas ng kalabaw…”

“Dati noong nakatira pa kami sa Velasquez, Tondo doon sa palengke ng Pritil tuwing umaga may nagtitinda ng gatas ng kalabaw.”

“Pinapakyaw na kasi ng mga multi-national dairy product companies kaya madalang na at halos wala nang naglalako sa province.”

Malaking tulong ang naibibigay ng mga kalabaw sa mga magsasaka sa mga gawaing–pambukid, lalo na ang pag–aararo. Bukod sa masarap na gawing “tapa” ang ang karne ng kalabaw, masustansiya rin ang gatas nito. Mayaman ito sa protina at iba pang mineral na ginagawa ring kesong puti at pastilyas. Inihahalo rin ito sa chocomilk, lactojuice, pineapple juice at mango juice.

Public Domain Image

Ayon sa Philippine Carabao Center, hindi pahuhuli ang kalidad ng gatas ng kalabaw sa mga imported milk mula sa Australia at New Zealand. Kaya naman, dapat na pag-ibayuhin ang industriya ng produkto mula sa gatas ng kalabaw na hindi lamang dagdag na pagkakitaan, kundi malaking tulong sa nutrisyon.