Nahiyang magtanong: Lalaking kumain sa malapit na cafe, 10 araw hinanap ang daan pauwi




Image via Pixabay
  • Isang lalaki ang 10 araw na hinanap ang daan pauwi matapos kumain sa isang malapit na cafe
  • Kumain lamang daw ito ng tanghalian sa lugar malapit sa apartment ng kaibigan na tinutuluyan niya
  • Ani Zhang Daming, nahiya siyang magtanong ng direksyon kaya siya na mismo ang naghanap

“H’wag mahihiyang magtanong,” sabi sa isang popular na commercial. Marahil ay batid na ng 18-anyos na Malaysian na si Zhang Daming ngayon na hindi masamang magtanong at hindi dapat mahiyang humingi ng gabay.

Image via pixabay

Ani Zhang, masyado siyang naging mahiyain sa pagtatanong ng direksyon kaya hindi niya agad nakita ang apartment ng kanyang kaibigan, kahit pa malapit lamang ito sa cafe kung saan siya kumain ng tanghalian. Ang resulta, halos 10 araw niyang hinanap ang daan pauwi; nang walang dalang kahit na ano, maging cellphone na sana ay pangkontak sa kaibigan.

“I walked to a nearby cafe for lunch, but I couldn’t find my way back to my friend’s apartment,” saad niya sa isang panayam. “I was so confused, every apartment looked the same to me and I couldn’t recognize the way back at all.”

[Naglakad ako papunta sa isang malapit na cafe para mananghalian tapos hindi ko na mahanap ang daan pabalik sa apartment ng kaibigan ko. Nalito ako dahil magkakamukha ang halos lahat ng apartment na nasa area kaya hindi ako makauwi.]

“I’m very shy. I don’t know what Singaporeans are like, so I didn’t dare to ask them for help or to borrow a phone. I also couldn’t find a single p0lice station,” saad ni Zhang sa interview sa kanya matapos masagip ng ilang tumulong.

Image via Pixabay

Sa unang 24 oras ay hindi raw siya makatulog at naglakad na lamang hanggang mag-umaga. Dumating din sa punto na wala na siyang makain at mainom. May mga anim hanggang pitong katao naman daw ang tumulong sa kanya.

Natagpuan si Zhang sa isang palaruan na mga anim na kilometro ang layo sa tinutuluyan niyang apartment. Matapos matulungan, sumakay siya sa bus patungong Kuala Lumpur. Hindi na raw siya babalik ng Singapore sa takot na maawala muli.