Nadine Lustre, interesado pa ring gumanap bilang Maria Makiling




Imahe mula kay @nadine | Instagram
  • Bukas pa rin si Nadine sa inisyal nitong plano na gumanap bilang si Maria Makiling sa pelikulang Pedro Penduko
  • Kasama niya sana sa proyekto ang kasintahang si James Reid na gaganap sana sa lead male role
  • Una nang bumitiw si James sa proyekto dahil sa injury samantalang handa namang ituloy ni Nadine ang role na nakatakda ring magkaroon ng sarili nitong pelikula
Imahe mula kay @nadine | Instagram

Hindi man siya pinalad na maging si Darna, gusto namang ituloy ni Nadine ang pagganap sa role ng isang kilalang diwata ng Philippine folklore o mas kilala sa tawag na Maria Makiling.

Una nang ibinagay sa Kapamilya actress ang karakter ni Maria Makiling kung saan makakapareha niya sana ang kasintahang si James Reid sa isang pelikula na may kinalaman sa mga agimat at anting-anting.

Si James ay nakatakda sanang gumanap bilang si Pedro Penduko ngunit kinailangan nitong bumitiw dahil sa natamo nitong spinal injury.

Sa isang panayam ng ABS-CBN News kay Nadine, sinabi naman nito ang kaniyang saloobin tungkol sa pagganap bilang si Maria Makiling.

“Ako, gusto ko pa din po siya gawin, sayang naman din po kasi. It’s a good project, it’s a good material like what I was saying,” ayon kay Nadine.

“Yung Pedro [Penduko] kasi, as of now, wala pang updates, baka late this year na po ‘yun or maybe even next year na po siya matuloy, pero we’ll see,” dagdag pa niya.

Imahe mula kay @nadine | Instagram

Ipapakita bilang isang ordinaryong babae ang karakter ni Nadine sa pelikula, ayon na rin sa naunang pahayag ng direktor ng Pedro Penduko na si Treb Monteras II. Marunong rin umanong gumamit ng Facebook at Twitter ang kasalukuyang bersiyon ng Maria Makiling.

Maliban sa mga ito, mayroon pa rin namang kapangyarihan si Maria Makiling na tumawag ng mga elemento at ispiritu sa lupa.

Matatandaan na kabilang ang Pedro Penduko at Maria Makiling sa mga nakalinyang proyekto ng Epik Studios. Layunin nitong buhayin ang Filipino mythological heroes sa kanilang proyekto na tatakbo hanggang 2021.

Source :

AB-CBN, ABS-CBN